Mag-didiwang ako!! 3rd UD for the day ko ito! Bigla akong sinaniban ng kasipagan sa katawan. Sana mag-tuloy tuloy na. Hahaha! :) Anyways, thank you sa mga nag-babasa at nag-hihintay ng UD! Kahit konti pa lang kayo, naniniwala ako na dadami din kayo. :)
FOLLOW me, please? VOTE and COMMENT na din. *puso puso*
----
*Velle's P.O.V.*Labs, dala ka ng extra money mamaya. May pupuntahan tayo. Kasama sila Ara. Love you. :*
Sent ✔
Excited na ako mamaya! Ito yung magiging first date namin ni Nellie. Haaaay. 8:00 am pa lang. 4:30 pm pa ang class ko. Sana bumilis yung oras para maka-sama ko na si Nellie.
*toot toot*
Labs. Susunod na lang ako ah? May dinaanan pa kasi kami kaya hindi din ako makaka-pasok. Ingat ka labs. Love you too.
Ang sweet talaga niya! Pagka-send ng reply ko ay nilapag ko na lang ang phone ko sa lamesa tapos ay umupo sa sofa. Hindi ko pala siya makaka-sama mamaya. Pero, ayos lang yun! Makaka-sama ko naman siya mamayang gabi.
"Tita!"
"Ay kalabaw! Mandy! Bakit ka ba nang-gugulat?!"
"Sorry na tita. I didn't mean to startle you."
"May kailangan ka ba?"
"Nothing naman tita." Tinitigan ko si Mandy. I know there's something bothering her.
"Okay fine. May kwento ako sayo tita. But, promise me first na you won't tell mommy."
"Promise!"
"Okay. There's this guy kasi tita na who keeps on getting my attention. He said he likes me and he wants me to be his girlfriend."
"WAIT! MANNAZE DYANA ABERIN!"
Sigaw ko sa buong pangalan ni Mandy. Grabe! 14 years old lang itong batang ito pero pbb teens na!
"Ugh! Why are you shouting, tita?!"
Sabi ni Mandy habang naka-kunot ang noo at naka-takip ang mga kamay sa tenga. Cute!
"14 ka pala ineng. Baka nakaka-limutan mo?"
"Of course not! Ang bata ko pa para maging makaka-limutin."
"EXACTLY. Bata ka pa sa mga ganyang bagay!"
"Eh tita, how old are you ba when you had your first crush?"
Biglang napa-isip ko sa sinabi niya. Parang gusto kong i-untog ang sarili ko ng ma-realize kong, mas malala pa pala ako kay Mandy. 12 years old pa lang kasi ako nung nagka-crush ako.
"See? You can't answer. Alam kong nakaka-relate ka sa akin tita. So please? Let me finish my story."
"Okay. Okay."
"Good. So, ayun nga po. Lagi niya akong sinusundan, sa canteen, sa classroom pati sa library. Then he's asking for my number but I didn't give it to him, so he asked Monique, my best friend and she gave it to that makulit guy."
"Anong year na ba nung guy?"
"3rd year na siya tita. So ayun nga. He's been texting me, NON-STOP. I checked his facebook profile. Nakita ko yung pictures niya and..."
"And what?"
"When I was looking at his pictures, I realized that.. he's cute."
"You like him."
"You think so, tita?"
"Yes. You find him cute. At habang kinekwento mo yung guy, naka-smile ka na para bang ang saya-saya mo pag nakikita at naaalala mo siya."
"Okay fine! I like him! He's cute, he's smart and he's sooo ugh! Tita, ang bango niya! Polo blue yung perfume niya." Halatang kinikilig ang pamangkin ko habang nag-kekwento. Naku! Lagot ito sa mommy niya.
"Ineng, paalala lang. Bata ka pa. 2nd year ka at 3rd year yung guy. You're both still in High School. Wag kayo mag-madali."
"Yes naman tita. Study first pa din! Anyway, he just asked me last night kung pwede ba siya manligaw. I said 'yes' tutal ligaw pa lang naman."
"Study first, Mandy ah?"
"Yes tita! Eh tita.. may lovelife ka ba ngayon?"
Ako naman ang napa-ngiti. Ngiting abot tenga na halos lumuwa na ang braces.
"You look inlove, tita. Name, please?"
"Nellie."
"Nellie? Okay? Tell me about him."
Tumingin ako sa may kusina kung saan naroon si mama at ang kuya. Mukhang busy sila parehas sa pagbe-bake.
"Secret lang natin ito, Mandy ha? Nellie is not a 'He' she's a 'She'."
"She's a girl?! You're having a relationship with a girl, tita?!"
"Yes. At pwede ba? Hinaan mo lang boses mo! Baka marinig ka nila Mama."
"Sorry sorry. Paano yun tita? Paano kayo? Paano ginagawa niyo? Err! Hindi ko ma-explain! Just tell me about your relationship na lang!"
Natawa ako saglit sa reaksyon ng pamangkin ko. Halatang interesado sa mga sasabihin ko.
"Hmm. Yung relasyon namin? Para lang kaming mag-tropa. Masaya kami parehas pag mag-kasama kami tsaka parang normal na relasyon lang kahit parehas kaming babae."
"Lesbian ba si Nellie, tita?"
"Hindi. Babae siya pero nakikipag relasyon siya sa kapwa niya babae. Nag-dadamit babae pa din siya tsaka medyo mahaba yung buhok niya. Maalaga sa katawan yun. Mas makinis pa nga yun sa akin e."
"Mahirap ba yung situation niyo, 'ta?"
"Interview ba ito?" Medyo tumawa muna ako bago ako nagpa-tuloy mag-salita.
"Hindi naman, masyado kasi masaya nga kami e. Ang mahirap lang ay yung mga taong mapang-husga. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi nila sa amin kahit na wala naman talaga silang alam sa aming dalawa. Na kaya lang sila naninira ay dahil gusto nilang mapansin. Yun ang nakaka-inis."
"Hayaan mo na sila tita! At least, masaya kayo ni tita Nellie diba?"
Napa-ngiti ako ng tawaging 'tita' ni Mandy si Nellie.
"Oo naman." Naka-ngiti pa din ako. Parang ang sarap sa pandinig.
"Ano ba yung tawag sa relasyon niyo, tita?"
Habang naka-ngiti ay sinagot ko si Mandy.
"Bisexual Love."
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...