Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get over sa revelation ni Nellie. Oo, obvious na may something siya kay Velle. Pero iba pa rin talaga yung sa kanya mang-galing.
"Eh akala ko ba may Kim ka na? Tsaka diba seryoso ka na dun?"
"Oo nga Gisette."
"Anong gagawin mo kay Velle? Reserba?"
"Maharot ako pero hindi naman ako ganun! Hindi ko pa kasi alam.. hindi ko pa maintindihan itong nararamdaman ko."
"Ang gulo mo! Ang harot! Kainis!"
Nag-walk out na si Gisette. Kanina pa sila nag-tatalo ni Nellie tungkol nga dun sa pag-amin chuchu niya. Ako ay dakilang taga-pakinig lang.
"Tulala ka." Napa-tingin ako kay Nellie.
"May iniisip lang."
"Oh? Marami ka ding problema? May karamay pala ako." Tinitigan ko si Nellie. Hindi kasi kapani-paniwala na may problema siya. Pinoproblema niya ba yung feelings niya kay Velle?
Napa-kunot-noo ako dahil sa naisip ko.
"Anong problema mo?"
"Nalilito na kasi ako.."
"Saan?"
"Sa nararamdaman ko kay Velle."
"Teka nga. Friends tayo pero wala man lang akong narinig sayo tungkol kay Velle. Kwento mo muna sa akin."
Ang kaninang malungkot at problemadong-problemado na si Nellie Tacderas ay mukhang baliw na pangiti-ngiti ngayon.
Mumurahin ko na sana siya kaso nag-simula na siyang mag-salita.
"Hindi ko naman talaga napapansin nung una si Velle. Hindi ko nga alam na may classmate pala tayong kasing-ganda niya e.."
"Napansin ko lang siya nung Management na. Yung pinaka-first day natin sa Management. Yun yung araw na pinagalitan ako ni sir Jhun at pina-tayo sa upuan. Habang naka-tayo ako nun, nag didiscuss naman si sir, maya-maya ay nag-tanong na siya. Akala ko ay walang sasagot pero biglang may isang babae na nag-taas ng kamay. Tinawag siya ni sir at tinanong ang last name niya. 'Hizon'. Habang sumasagot siya ay naka-tingin lang ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit e. Habang nag-sasalita siya ay talagang tinititigan ko yung bibig niya. Ang cute kasi ng braces niya at sabayan pa ng medyo namamaga niyang ilong."
Habang nag-kekwento si Nellie ay tumatawa tawa pa siya. Inlove nga si bruha.
"Simula nun, gumawa talaga ako ng paraan para lang mapa-lapit sa kanya. Akala ko, gusto ko lang maging friends kami pero habang tumatagal.. na-aattract na ako sa kanya. Iba si Velle. Ibang-iba sa lahat ng babaeng dumaan ng puso ko."
"Bakit kasi may Kim ka pa rin hanggang ngayon?"
"Ayokong mahulog ng tuluyan kay Velle. Kasi alam kong hindi pa siya nakaka-move on nun sa EX niya at baka.. baka wala akong pag-asa sa kanya." Lumungkot na naman ang mukha niya. Parang wala na siyang ibang inisip kundi problema.
"So.. ginagamit mo lang yung Kim?"
"Hindi naman sa ginagamit.. may nararamdaman din naman ako kay Kim. Mas matimbang nga lang yung kay Velle. Kaya nga ayaw ko umamin sa inyo noon.. dahil alam kong mas lalalim yung feelings ko para sa kanya. Kaso ang kulit niyo e! Yan tuloy.."
"Anong gagawin ko Loisa? Advice ka naman diyan. Haha." Ngumiti pa siya ng pilit.
"Ang sasabihin ko ay OPINYON ko lamang ha. Nasa sayo kung seseryosohin mo o hindi."
"Una, hiwalayan mo na yung Kim, friend. Walang patutunguhan yang relasyon niyo. Pangalawa, wag ka ngang assuming! Tsaka hindi mo kamag-anak si Madam Auring para mahulaan mo yung nararamdaman ng tao. Ano rin bang malay mo kung may feelings din siya sayo diba? Eh kung hindi ka umamin tapos tinago mo lang yang nararamdaman mo edi hindi mo malalaman na may pag-asa ka sa kanya. Last, about dun sa EX niya. Kung hindi pa talaga siya nakaka-move on dun sa timawang yun, aba'y baka ikaw ang pinadala ni Lord para gamutin ang sugatang puso ni Velle."
Hindi ko alam kung kaninong ilong ko nahugot yung mga sinabi ko. Basta na lang lumabas sa bibig ko yung mga yun.
Napansin kong tahimik si Nellie. Ina-absorb siguro yung SONA ko.
"Pero paano.. paano kung--"
"Yan tayo sa mga 'What ifs' na yan, Nellie e. Paano kung wala kang pag-asa sa kanya? Paano kung masaktan ka lang? Hindi mo malalaman ang kasagutan sa mga tanong mo kung hindi ka kikilos. Paano rin kung may gusto siya sayo? Paano rin kung hinihintay ka lang niyang manligaw?"
"Ang mundo ay isang malaking sugal. Araw-araw ay may itataya ka.. pwedeng buhay mo, mahahalagang bagay even your feelings. Minsan nananalo, minsan natatalo. Pero ang kagandahan nun ay.. may natututunan tayo."
Pagkatapos kong sabihin yun ay napa-ngiti si Nellie. And this time, alam kong totoo na yung smile and not a fake one. At talagang nakinig siya sa advices ko.
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...