#16

148 2 2
                                    

*Velle's P.O.V.*

Malakas pa din ang ulan. Rinig na rinig ang pag-tama ng malakas na patak ng tubig sa lupa. Kasabay ng malalakas na pag-patak ay ang malakas din na pag-ihip ng hangin.

Halos lahat ng mag-aaral sa unibersidad na ito ay naka-suot ng pang-lamig. Sa kabila ng malakas na ulan ay patuloy pa rin ang mga klase.

Ito ang mahirap sa kolehiyo. Kahit malakas na ang ulan hindi kayo aabot sa suspension. Hindi katulad ng mga elementary at high school. Malas mo pag biglang nag-suspend ng klase at nag-tuturo na ang professor. Dahil wala kang choice kundi makinig na lang muli at sundin ang pina-pagawa ng prof mo. Ang magagawa mo lang ay kimkimin ang inggit at sama ng loob.

"Hay naku! Sana kaninang umaga pa sila nag-suspend para naman hindi sayang pamasahe." Reklamo ni Chaelle.

Pa-akyat kami ni Chaelle ng 2nd floor. Nasa 5th floor kasi ang room namin. At kahit na malakas ang ulan ay may klase kami. Badtrip talaga!

Pagdating namin ng 2nd floor ay nadatnan namin ang mga nag-kukumpulang tao. May tinitignan silang ewan.

Nagka-tinginan kami ni Chaelle sabay ngiti. Dahil likas na usisera kami ni Chaelle ay naki-singit kami sa mga tao para makita kung ano ang pinagkaka-guluhan nila.

"Aray!"

"Yung paa ko, miss!"

"Grabe naman! Walang manners!"

"Excuse me naman oh!"

Sa wakas! Matapos ang pakikipag-balyahan namin ni Chaelle ay naka-rating din kami sa harap.

PARA LANG MAKITA ANG 32" FLAT SCREEN T.V.

"Bwiset! Akala ko naman-WOW!" Hindi na natapos pa ni Chaelle ang pag-rereklamo niya ng biglang may nag-flash sa screen ng T.V.

Weather forecast ito. Parang yung sa PAG-ASA. Makikita mo yung galaw ng bagyo, kung nasaan na siyang parte ng bansa at kung ano-ano pa na may kinalaman sa bagyo. Napa-hanga kaming talaga. Mga pa-uso ng Astronomy Students.

Nawili kami ni Chaelle sa panonood. Kung panonood nga bang matatawag ang pag-pindot pindot namin sa screen ng T.V. Sinusundan ng hintuturo namin ang mga guhit guhit. Para na kaming mga baliw dito pero natutuwa talaga kami parehas!

"Excuse me mga miss. Bawal pong dutdutin ang screen."

Nagulat kami parehas ni Chaelle at dali-daling tinago ang dalawa naming kamay sa likod namin. Tinignan ko ang lalaking sumaway sa amin.

Mula paa.. ang dumi ng sapatos niya! Eww. Pataas hanggang tiyan.. parang sobrang payat, walang abs. Eww. Pataas hanggang lalamunan.. infairness maputi pero parang ang liit ng Adam's apple. Eww. Pataas hanggang sa-O.M.G.

Siya ba talaga yung tinitignan ko mula paa hanggang ulo? Siya ba yun?!

Aba'y ang GWAPO!

"Next time, wag niyo nang pag-laruan ang screen. Ang gaganda niyo pa man din pero hindi kayo marunong sumunod sa simpleng instruction."

Medyo matigas na pagkaka-sabi ni kuya. At dahil likas na sa amin ni Chaelle ang pagiging makulit ay nginitian lang namin si kuya tapos ay nag-peace sign.

Hehehehehe. Oks lang. Pogi mo naman. Ajejejejeje.

Tumango lang siya tapos ay nag-salita.

"Anong pangalan niyo?"

Nagka-tinginan kami ni Chaelle tapos ay napa-ngiti.

This is one of the reasons why I love my best friend. Yung mga ngiting nag-sasabing 'Alam na dis'

"Chaelle ako." Maikling paki-lala niya.

"Velle."

"Matthew. Nagustuhan niyo ba yung ginawa namin?"

"Oo, sobra!" Si Chaelle ang sumagot.

"Salamat ah? Hindi namin akalain na bebenta sa inyo yung ginawa namin."

"Ang talino naman kasi ng pagkaka-gawa niyo. Nakaka-bilib!" Si Chaelle muli ang sumagot. Nanatili akong tahimik habang nag-uusap si Chaelle at yung Matthew.

At dahil OP ako ay nilabas ko na lang ang phone ko at tinext si Loves. Ano kayang ginagawa niya? Hmmm.

"Velle!"

"Ay kalabaw! Ano ba yung Chaelle?!"

"Magugulatin?!" Sabi ni Chaelle habang yung Matthew ay tumatawa. Ang epic din siguro ng hitsura ko kanina.

"Ano ba yun?"

"Ang sabi ko, pwede bang maki-text si Matthew. Wala kasi akong load."

Nag dalawang isip ako kung papayag ba ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na wala akong load dahil nakita nila akong nag-tetext kanina. Hindi ko din naman pwedeng sabihin na lowbatt na ako dahil heto at umiilaw ng green ang phone ko tanda ng matagal pa bago ako ma-lowbatt.

Wala na talaga akong kawala!

At dahil, NO CHOICE ako ay pinahiram ko na lang siya. Kawawa naman kasi baka kailangang-kailangan niya.

Hindi naman siya matagal mag-text. Wala pang limang minuto ay binalik na niya sa akin ang phone ko. Nakakapag-taka lang dahil memorize niya yung number nung tinext niya. Hindi kasi siya nag-labas ng phone para tignan yung number nung itetext niya. Kahit maliit na papel ay wala siyang nilabas.

Baka naman memorize lang. Wag mo na pakielaman.

Nag-paalam na siya sa amin dahil may kailangan pa daw siyang tapusin. Pero bago siya umalis ay may iniwan siya sa akin...

"Alam mo bang... crush na crush ko ang mga babaeng naka-brace at may dimples? Reply ka ha?" Kumindat siya tapos ay nag-lakad na papalayo. Ano daw?!

Nagulat na lang ako ng bigla akong hinampas ni Chaelle at sinabing kinikilig daw siya. Aba! Sumbong ko to kay Nellie e!

"Alam mo Chaelle? Mas bagay kayo nung Matthew."

"Huy! Bakit naman?!"

"Ang harot niyo!" HMP.

###########

Author's Note! :)

Hi, Chaelle! Nag-appear ka na naman sa aking story! Hihihihi! :)

Clear ko lang po, walang masamang meaning yung MAHAROT. Basta! Parang normal lang sa amin yan. Baka kasi may ma-offend. :)

TUESDAY, JANUARY 20, 2015 na po ako ulit mag-uupdate. Sa kadahilanang magiging busy po ako para sa PAPAL VISIT 2015. ❤

Maki-isa po tayo sa pag-dating ng mahal na Santo Papa. :)

#PopeTYSM ❤
#ParadiseBliss❤

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon