*Velle's P.O.V.*
Nag-lalakad na ako ngayon papasok ng school. Medyo magaan na ang pakiramdam ko kumpara kagabi. Pero hindi pa din maalis sa akin yung pakiramdam ng pang-hihinayang. Nang-hihinayang ako dahil hindi natuloy yung plano sa utak ko. Nang-hihinayang ako dahil hindi ko na makikita yung reaksyon niya pag nalaman niya yung totoong dahilan kaya gusto ko ng Romantic na Date.
Buntong-hininga. Pang-ilan ko na ba ito? Pero kailangan kong kalimutan ang mga pang-hihinayang ko.
Nakita ko si Nellie kasama nila Loisa at Gisette. Naka-upo sila sa isa sa mga mahahabang lamesa sa canteen. Ang official spot namin.
Hindi napansin ni Nellie ang pagdating ko kaya medyo nagulat siya ng umupo ako sa tabi niya.
"Loves! Andito ka na pala!"
Binuksan ko ang phone ko na hindi pinapansin ang sinabi ni Nellie.
"Loves. Sorry na naman oh. Sabi ko naman sayo diba? Babawi ako."
"Kailan?"
"Basta loves! Sorry na, please? I love you."
Niyakap niya ako pagka-sabi niya ng 'I love you'. Ibang klase talaga itong taong ito. Napapa-gaan ang pakiramdam ko sa isang yakap lang.
"Oo na. Sige na. Wag mo na ulitin ah? Utang na loob, loves. Ayoko ng ganitong feeling."
"Opo loves. Hindi na mauulit."
*Gisette's P.O.V.*
Kasalukuyan kaming nag-sasagot ng assignment sa Accounting ni Loisa ng biglang dumating si Velle. Mukhang nag-away ang dalawa at sinusuyo naman ni Nellie si Velle.
Nag-patuloy na lang ako sa pag-sagot at pilit na hindi pinapansin ang dalawang mahaharot sa harapan ko. Kaso ang lakas talaga nila! Hindi na ako makapag-concentrate. Lalo na ngayon na magka-yakap na sila.
Bati na ang love birds.
Sa tuwing makikita kong masaya sila sa isa't-isa para bang masaya na din ako. Ganun siguro talaga pag kaibigan mo. Pag masaya siya, masaya ka din para sa kanya.
Pero iba ata ang nararamdaman ni Loisa. Mukha siyang broken-hearted na ewan.
Broken-hearted nga ba si Loisa?
Si Loisa kasi yung tipo ng tao na, hangga't kaya niyang itago ang problema talagang itatago niya. Kahit kaming mga kaibigan niya ay hindi namamalayan na may iniinda na siyang sakit.
Napapansin kong hindi siya maka-tingin kila Velle at Nellie. Ano kaya talagang meron?
Nasasaktan ba siya dahil kagagaling niya lang sa sakit ng puso o.. nag-seselos siya?
Malaking problema nga yan. Tsktsk.
*Loisa's P.O.V.*
Magiging masaya din ako. Magiging masaya din ako!
Sino bang niloloko mo, Loisa? Sino bang pina-niniwala mong magiging masaya ka?
Hangga't hindi mo siya kinakalimutan, hindi ka magiging masaya.
Pero masaya naman ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya. Kahit na hindi ako ang dahilan kaya siya masaya.
Masakit. OO. SOBRA. Pero, nawawala din naman kapag nakikita ko na ang abot-langit niyang ngiti.
Alam kong wala na akong pag-asang makuha pa siya. Pero masaya ako sa kung anong meron kami ngayon. At naniniwala naman akong makaka-limutan ko ang nararamdaman ko sa kanya sa takdang panahon..
SANA...
###########
Author's Note! :)
Halluuuu! Triny ko lang yung multiple point of views sa isang chapter. Okay naman ata. XD
OP si Nellie! Siya lang walang P.O.V. Hahaha! :) Okay lang yan, Nellie! :) Next time na. Pag naalala mong bigyan ako ng Brownies at pag dinalhan na ako ng Cookies ni Velle na si Kuya niya ang nag-bake.
FOLLOW ME, PLEASE? :)
VOTE & COMMENT na din! Para ebribadi hapi! :*
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...