Merry Christmas, everyone! :)
Advance Happy New Year na din!
*-*-*-*-*-*-*-*-*Paulit-ulit po akong hihingi ng tawad sa usad pagong na update. Sorry talaga. Masyadong busy ang inyong lingkod at inaaway ko pa ang sarili ko kasi tinatamad ako mag-sulat. :3 Sareeh na. Eto na nga po ulit. UD na. =)))
*Velle's P.O.V.*
Christmas Party na namin. Ang bilis ng mga araw! Tatlong linggo na din pala ang naka-lipas. Tatlong linggo na kaming nasasanay ni Nellie sa isa't-isa. Tatlong linggo na din naming hindi pinapansin ang mga pang-huhusga ng mga tao. Tatlong linggo na din kaming nag-sasama ng masaya ni Nellie. Haaay.
Sa tuwing naaalala ko ang mga ka-sweetan niya ay hindi ko mapigilang hindi mapa-ngiti. Masaya ako para sa aming dalawa.
"Velle, may gift ka na ba kay Nellie sa Christmas?"
Tanong sa akin ni Chaelle. Pina-libutan na naman ako ng mga kaibigan ko. Tila hinihintay ang sagot ko sa tanong ni Chaelle.
"Wala pa nga eh. Wala akong maisip. Pero gusto kong maka-sama siya sa Ayala. Dun sa Dancing Lights. Feeling ko ang Romantic pag mag-kasama kaming nanonood ng mga ilaw."
"Maganda din yan beb! Pero mas maganda kung isasama mo kami!" Singit ni Lixy.
"Nako bakla! Maninira ka lang ng moment."
"Edi wag ka sumama, Jhaztine! Tsaka hihiwalay naman kami sa inyo pag andun na tayo eh."
"Sige na nga! Bukas ha? Mag-dala kayo ng extra money para sa food natin."
"Sige!"
Nag-daldalan na lang kami hanggang matapos ang klase. Absent kasi ang prof namin kaya nag-pipiyesta kaming lahat.
Pag-labas namin ng room ay tumambay muna kami sa canteen. Tatawagan ko kasi si Nellie para sabihing pauwi na kami.
Hindi kasi siya naka-pasok dahil pauwi pa lang siya galing Pampanga.
*ring ring ring*
"Hello, Labs? Oh. Pauwi na kami ah? Ingat sa biyahe."
(Diretso uwi ah?)
"Opo. Ikaw din."
(Sige. I love you.)
"I love you too din po."
"Oh ano? Tara na? Bye, guys!"
Nag-paalam na kami sa mga classmates namin. Mauuna na kasi kami, sila ay may balak pa yatang tumambay.
Habang nag-papaalam ako sa kanila ay nahagip ng mata ko ang isa kong kaibigan. Si Joan. Naka-titig lang siya sa akin na parang galit na ewan. Hindi ko na lang siya pinansin at nag-lakad na.
Ano kayang problema niya? Anong problema niya sa akin?
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...