Lumabas pa talaga kami ng school at dumiretso sa 7-Eleven. Buti na lang malapit lang 7-Eleven sa school namin. Pumasok kami ulit ng school na mabibigat ang bag. Nasa loob kasi yung mga pagkaing binili namin dahil hindi pwedeng makita ng guard namin yun. Binilisan na namin ang lakad namin dahil pare-pareho kaming excited nang mag-laro at syempre.. KUMAIN.
Inayos nung boys ang mga upuan para lumuwag ang space sa gitna. Naka-form kami ng circle. Ni-lock na din namin ang pinto para walang istorbo sa amin.
Kanya-kanyang kaming labas ng pagkain sa bag at nilagay sa gitna. Nasa mga 40 din ata kaming nandun kaya talagang mabubusog kami sa dami ng pagkain. Sinalin nila yung 1.5 na coke sa isang malaking jog tapos ay nilagay sa gitna.
"Let's start the game na. Yung usual na TRUTH OR DARE lang. Simple lang ang rule. BAWAL KJ. Pag tumanggi ka sa DARE, ikaw ang gagawa ng assignment sa Accounting ng buong klase. Usapang matino yan ha."
Parang wala na yatang tatanggi sa DARE dahil dun sa magiging kapalit na sinabi ni Ara. Like, hello?! Mas mabuti nang gawin mo yung dare kesa naman ikaw ang gumawa ng assignment at sa Accounting pa talaga.
"Okay! Start na!"
Pina-ikot na ni Ara yung bote. Tumapat kay Gisette! OMG!
"Truth or Dare?"
"Truth. Kala mo Ara ha!"
"Hahahaha! Okay. Hmmm. Sinong crush mo dito sa room?"
Muntik na akong mapa-nganga sa tanong ni Ara. Like, WTF?! Pang-high school na tanong pero nakita ko sa mga classmates ko yung mukha ng mga chismoso't chismosa kaya di na ako nag-react.
Lahat ay nag-hihintay sa sagot ni Gisette. Nakikipag eye to eye contest ata kay Ara. Sasabihin kaya niyaaa? OMG, frieeeeend!
"Fine. Si Nathan." Napa-tingin ang lahat kay Nathan at tinukso tukso silang dalawa. Tawa lang kami ng tawa ni Nellie. Namumula na sila pareho pero di pa rin talaga tumitigil mga classmates naming may saltik.
"Enough na! Ikot ko na ulit." Sigaw ni Ara
"NELLIE!"
"Ikaw na Nellie! TRUTH OR DARE?"
"Truth."
"Ako mag-tatanong!"
"Walang ganyanan! Ayoko! Wag si Loisa!"
"Bawal tumanggi, Nellie." Sabi ni Ara
"Ayoko. Dare na nga lang!"
"Okay. Sexy dance ka sa harap ng crush mo."
COOL DARE, Ara! Whooo! Feeling ko may alam si tong si Ara kaya ganyan ang pinapa-gawa niya. Grabe talaga tong sexy na to!
"Grabe ka Araaa! Iba na lang!"
"Tumatanggi ka Nellie? Okay lang naman. Page 106 nga pala yung assignment sa Acc-"
"Oo na nga! Kainis!" Tatawa tawang tumayo si Nellie sa gitna. Nag-dadalawang isip pa yan kung gagawin niya ba o hindi.
"Ano na Nellie? 10 years bago maka-sayaw?"
"Eto na nga! Ang hirap naman kasi ng dare mo!"
Nag-lakad na siya. Papunta sa direksyon nila... OMG!
"Ang daya mo tropa! Sabi, mag-sexy dance ka sa harap ng crush mo hindi sa friend mo!"
"Oo nga. Sexy dance nga sa harap ng crush ko yung ginagawa ko." Sabi ni Nellie habang gumigiling giling pa with matching kagat-labi at kindat kindat.
"Ibig sabihin.."
"Oo. Crush kita Velle Hizon."
Napuno ng 'Yiiiiiiii' sa loob ng room namin. Umupo na ulit si Nellie. Pareho silang mukhang kinikilig ni Velle.
"May namumuong pag-iibigan (turo kila Nellie) at may namumuo ring sama ng panahon (tingin kila Gisette). Grabehaaaan!" Sigaw ni Ara.
"Spin ko na ulit ha?"
This time, tumapat naman kay Velle.
"Niceee! Truth or Dare?" Ngiting ngiti naman si Ara. Halatang may binabalak na naman.
"Maawa ka, Ara. Dalian mo lang yung tanong ha?"
"So.. Truth?" Tumango lang si Velle.
"Madali lang naman to! Kayo talagaa. Kasing dali lang to ng tanong na 'Anong pangalan mo?' at 'Ilang taon ka na?'
Naka-move on ka na ba sa EX mo?"
"Ang dali nga, Ara! Grabeee."
"Sagot na pooo."
"Okay. Okay. Hindi pa masyado. Pero konting push na lang, makaka-move on na din ako at alam ko namang may tutulong sa akin e." Sabi niya at inexpose na naman ang kanyang Shining, Shimmering braces.
"Mapapa-ehem ka na lang talagaaa."
Inubos namin ang tatlong oras ng tawanan, tuksuhan, kainan, sigawan at murahan. Tatlong oras yun pero hindi kami naka-ramdam ng kahit ano maliban sa saya. Iba talaga pag mga kaibigan mo ang kasama mo. :)
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...