Friend.. i need your help! Nasan ka ba??
Frieeeend.. ano na gagawin ko? Nahihiya ako kay Velle..
Frieeeend!
Huuuuuy. Tulungan mokooo. Friends tyo dba??ILAN LANG YAN SA MGA TEXT NI NELLIE SA AKIN NGAYONG UMAGA. UMAGANG-UMAGA, PAPASABUGIN NG BRUHANG YUN ANG INBOX KO.
"Bahala ka nga dyan. Hindi makapag-hintay? Magkikita naman mamaya sa school ah."
Iniwan ko na ang cellphone ko sa kwarto at lumabas. Mang-gugulo lang yan si Nellie. Tsk.
Bumaba na lang ako sa sala para manood ng TV. Nadatnan ko ang mommy ko na may kausap sa phone. Sino kaya yun?
"Oh. Eto na siya, wait lang ha." Tinakpan ni mommy ang mouth piece tapos ay nag-salita ulit.
"May nag-hahanap sayo. Classmate mo daw sya."
Kinuha ko na ang phone kay mommy. Nakakapag-taka. Sino naman kaya ito?
"Hello?"
"Loisa!"
"Syet! Nellie?"
"Oo, Loisa! Parang awa mo na, kailangan ko ng tulong mo!"
"Magkikita naman tayo mamaya, Nellie. Mamaya na tayo mag-usap."
"Promise friend ha? Agahan mo pasok!"
"Okay fine. Bye!"
Hindi ko na hinintay magba bye si Nellie at binaba ko na ang phone. Nakaka-buryong naman kasi yung baba-lala EWAN! UGH!
"May problema ka anak?"
"Maliban sa nagulat ako sayo mommy, wala naman na."
Tumawa lang ang mommy ko. Ay ewan! Mga baliw na tao ngayon. -_-
"Love life ba?"
Napa-tingin ako kay mommy. At kitang-kita ang kislap sa mga mata niya. Wala naman sigurong masama kung i-oopen ko yung about kay Nellie tsaka Velle diba?
Niyaya ko si mommy sa kusina at habang kumakain kami ay kwinento ko sa kanya ang problema ni Nellie.
"Iba na talaga kabataan ngayon. Pati kapwa nila babae, papatulan. Hay. Well, hindi ko rin naman masisisi friend mo kasi sariling choice niya yan. At may sariling puso si Nellie. Walang ibang makaka-kontrol sa puso niya kundi siya mismo. Kung totoong mahal niya si Velle, na kapwa niya babae ay dapat patunayan niya. Babae din siya, dapat alam niya ang magpapa-lambot sa kapwa niya babae."
May point si mommy. Dapat pala ni-record ko at pina-rinig kay Nellie.
Speaking of Nellie. -_-
Dahil mabuti akong kaibigan, maaga akong papasok today.
"Ah mommy. Maaga ako papasok today ha? May gagawin pa pala kami sa school."
"Sure sure."
Tumayo na ako at nag-ayos. Bad trip talaga tong si Nellie!
12:30 PM.
"Friend kasi naman.. baka masupalpal ako ng masasakit na salita."
"Friend natatakot talaga ako!"
"Friend hindi mo kasi alam yung feeling. Huhuhuhu"
"Hindi pa nga kami, nasasaktan na ako. Huhuhuhuhu!"
PUNYEMAS NAMAN TALAGA OH. -_-
SIMULA PAGDATING KO, PURO SENTIMYENTO NIYA ANG NARIRINIG KO."Friend, umayos ka nga! Nasa McDo tayo oh. Maraming tao. Pinag-titinginan TAYO."
Medyo inis kong sabi. Konti na lang talaga. WHOO.
(A/N: Laging bad trip si Loisa ah? Hahaha! :) Bakit kaya? Hmm.)
"Gusto ko lang naman ilabas e! Anong masama?"
"Edi lumabas ka! Wag mo akong idamay sa kahihiyan mo."
"Bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba?"
Napa-tigil sa pag dadrama si Nellie at tinitigan ako.
"T-timang k-ka? W-wala ah!"
"Bakit ang sungit mo?"
"A-ano.. Ano. GUTOM NA AKO! Oo! Gutom na ako. Hehehe."
"Ah! Sana sinabi mo agad. Kain na muna tayo."
Salamat naman! Kanina pa kasi kami naka-order ng pagkain pero ayaw niyang ipa-galaw kasi magda drama daw muna siya.
Habang kumakain kami ay hindi napigilang mag-salita ulit ni Nellie.
"Pero seryoso, friend. Hindi ko na alam gagawin ko. Nahihiya na natatakot ako sa kanya."
"Pag-ibig nga naman. Tsk! Diba birthday na ni Velle sa Monday?"
"Ay syet! Oo nga pala!"
"I-surprise mo siya."
"Anong klaseng surprise?"
"Try mo mag-isip. Ako ba nanliligaw?" Loko to ah. -_-
"Loisa naman e!"
"Jusme naman Nellie! Simpleng surptise lang! Debut ni Velle yun. Mag mini debutt tayo sa Monday. Kuntsabahin mo mga classmates natin tapos bili ka ng roses."
"Pwede! The best ka talaga Loisa! Sabi na e! May mapapala ako! Wahahahaha!"
GAGANG TO. -_-
"Tara na. Kukuntsabahin ko pa classmates natin."
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...