#24

158 3 5
                                    

*Velle's P.O.V.*

Hindi na nagiging maganda ang takbo ng relasyon namin ni Nellie. Sunod sunod ang nagiging pag-aaway namin.

At dahil sobrang bigat ng loob ko ay napag-pasyahan kong umuwi na lang ng maaga. Alam kong mag-tataka ang Mama dahil maaga ang uwi ko pero bahala na! Gusto ko na mag-pahinga. Yung feeling na, wala ka namang halos ginawa pero feeling mo pagod na pagod ka. Nakaka toxic pala ang Public LQ. Hay.

---

"Oh Cha-cha! Ang aga naman ata ng uwi mo. Wala ba kayong klase?"

Hindi nga ako nag-kamali. Pagpasok na pag pasok ko ng bahay ay sinalubong na ako ng tanong ni Mama.

"Masama pakiramdam ko 'Ma."

"Anong masakit sayo? Teka uminom ka muna ng gamot."

Akmang kukuha na si Mama ng gamot sa First Aid box namin ng pigilan ko siya.

"Hindi na 'Ma. Papahinga lang ako."

"May problema ba Cha? Alam ko pag may masakit sayo at hindi lang yan basta bastang sakit sa katawan."

Binigyan ako ng mapanuring tingin ni Mama. Iba talaga pag nanay. Kilalang-kilala ang mga anak nila.

"Alam mo Cha. Yung mga ganyang sakit o problema, hindi dapat tinatago, tinitiis o kinikimkim. Ano namang mapapala mo kapag tinago mo lang ang sakit? Wala! Lalo lang bibigat ang pakiramdam mo. Pero kapag inilabas mo yan, nako! Nagpapa-luwag yan ng dibdib."

Walang sabi-sabing niyakap ko si Mama. At hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa kanya.

"Sige anak.. ilabas mo lang."

"Mama.. bakit ganun? Hindi ko alam kung nasa akin ba ang problema o ano eh. Feeling ko sobrang malas ko. Feeling ko mag-isa na naman ako.. Ang sakit sakit Mama!" Hirap mang mag-salita dahil sa pag-iyak ay pinilit ko pa ring masabi ang nararamdaman ko kay Mama.

"Sinasabi ko na nga ba at usaping pag-ibig ito. Tsk tsk! 18 ka na Cha. Dalaga ka na. Alam mo na ang tama sa mali. Dapat alam mo ang mga limitasyon mo. Tignan mo ngayon.. dahil sa problema mo sa pag-ibig, nag cutting class ka. Bukod sa hindi magiging maganda ang epekto nun sa pag-aaral mo ay pwede ka ring mang-hina dahil lagi kang mamomroblema at maii-stress."

"Hindi mo dapat nararamdaman na mag-isa ka lang. Dahil alam mo? Insulto yun sa amin na laging naririto sa tabi mo. Sobrang malas mo? Hindi. Hindi ganun yun. Ang buhay, hindi pwedeng puro sarap at saya lang. Kailangan din ng hirap at lungkot para balanse."

"Eh mama.. pano ko ba malalaman kung mahal ba talaga niya ako o hindi?"

"Hindi ka naman manhid nak. Mararamdaman mo naman kung mahal ka talaga niya. Hindi lang naman sa effort, nakikita yan."

"Hindi ko alam, Mama. Naguguluhan na ako."

"Velle, magulo talaga ang pag-ibig. Pero pinili mong pasukin ang ganyang sitwasyon kaya tiisin mo ang mga consequences. At hija, mag-aral ka muna...

Puro kayo landi mga kabataan. Tsk."

Tapos ay umalis na si Mama. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis dahil sa ginawa ng Mama ko pero in all fairness, gumaan ang loob ko.

"Mothers know best talaga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon