#19

115 5 2
                                    

*Gisette's P.O.V.*

"Hoy Nellie! Sino yung Grace na yun ha?! Mag-sabi ka ng totoo!" Sigaw ni Ara kay Nellie.

Nag-lalakad na kami ngayon papuntang sakayan ng jeep. Hindi na namin kasabay si Grace dahil may pupuntahan pa daw siya.

"Kaibigan ko nga lang si Grace! Para kayong mga baliw!"

"Eh bakit hindi alam ni Velle na kasama mo ang kaibigan mong si Grace? Sinabi sa akin ni Gisette tsaka Loisa na ayaw mong ipaalam kay Velle."

"Ayoko lang kasi kaming mag-away! Ang kulit nyo ah!"

"Asus! Lokohin mo lelong mo! May something sayo yung Grace na yun e!"

"Wala ah! Friends lang kami nun!"

Patuloy sa pag-tatalo si Ara at Nellie habang ako ay tahimik lang. Nakita ko kasi ulit kanina si Nathan kasama yung service crew. Ang sweet nga nila eh. Hay. Minsan na nga lang ako magka-gusto may aagaw pa.

"Oh. Bakit tahimik si ganda?"

"Tigil-tigilan mo ako Ayn ha. Mainit ulo ko."

"Gwapo na nga tong nasa harap mo, mainit pa din ulo mo."

"Kaya mas lalong uminit ang ulo ko ay dahil nakita ko ang pag-mumukha mo!"

"Aw grabe! Ang sakit mo naman mag-salita!"

"Saan ka tinamaan?"

"Sa puso."

"Ulul."

"Ikaw ganda ah. Umamin ka na kasi. Alam ko namang may HD ka sa akin."

"HD? High Definition?"

"Hindi! Hidden Desire!" Sabay ngising abot tenga.

"Shabu pa!"

"Alam mo namang hindi ko na kailangan ng Shabu eh."

"Ha?"

"Kasi.. sayo pa lang, High na ako."

Malakas na napa-tawa ako sa sinabi ni Ayn. Hindi ako kinilig! Hindi ako kinilig, promise! Natawa lang talaga ako! Totoo! Mamatay man kuko niyo sa paa!

Dahil sa sobrang tawang-tawa ako kay napa-hawak ako sa braso ni Ayn kaso ang baliw sinusundot-sundot ako sa tagiliran kaya hinahampas-hampas ko siya.

"Yiieeeeee! May bagong love team! #AynSette #GisAyn #AynGis"

Napa-tigil naman kami ni Ayn dahil sa sigaw ni Ara. Inikot ko ang paningin ko kaya nalaman kong naka-tingin na silang lahat sa amin.. kabilang na siya. Naka-tayo siya di kalayuan sa amin. Kasama niya yung service crew at naka-kunot noong naka-tingin sa amin. ALAM NA THIS? HAHAHAHAHA!

HABA NG HAIR NI GISETTE! Whooooo!

*Ara's P.O.V.*

TARAY! MAY P.O.V AKO! WAHAHAHA! :))

Kasalukuyan kong inaaway si Nellie. Hindi kasi siya nag-paalam kay Velle na isasama niya yung Grace na yun.

Maganda si Grace, mas sexy nga lang ako. Hahaha! Charot! Pero seryoso maganda siya kaso may something sa kanya e. Parang bad girl na parang maarte, basta! Kaya wala akong tiwala sa kanya.

"Basta Ara ah? Wag kang maingay kay lalabs."

"Tse! Loyal ako sa mga kaibigan ko!"

"Kaibigan mo din naman ako ah?!"

"Pero ikaw ang mali dito, inday."

"Ganyan ka naman. Kaibigan mo lang naman ako dahil may kailangan ka! Dahil kailangan mo ako!"

"*sinampal ng napaka-lutong si Nellie* Wala kang karapatang pag-sabihan ako ng ganyan! Lahat ng kaibigan ko, mahalaga sa akin! Kaya kung wala kang tiwala sa akin, mas mabuti pang tapusin na natin itong friendship natin! *nag walk-out*"

"OKAY! CUT! Nice scene! It's a wrap!" Sigaw nung matandang lalaki na may hawak na mega phone. Nasa isang shooting pala kami. Anyare?!

(SORRY NA! SEGWEY LANG PO! ^^v)

*TOTOO NA PO ITO*

"Basta Ara! Ako na bahala dun! Mas maganda kung sa akin mang-gagaling diba?"

"Oo na! Oo na! Basta aminin mo ha? Kung hindi, bubunutin ko lahat ng buhok mo sa katawan gamit nail cutter."

"Ano daw?! Oo na, basta!"

Nag-hiwa hiwalay na kami ng daan. Magkaka-layo kasi kami ng bahay.

Nag-lalakad na ako papuntang Guadalupe ng biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaka-ramdam lang ako ng ganito sa tuwing nasa malapit siya. Pero imposible namang andito siya kasi sa Quezon siya umuuwi. Guni guni ko lang siguro.

Pa-akyat na ako ng foot bridge ng may makita ako.

Isang di ka nais-nais na tanawin.

Biglang pumatak ang luha ko. Ang luhang di ko na napigilan. Ang sakit sakit naman nito! Bakit kailangan ko siyang makita dito? Nakaka-inis siya! Ihulog ko siya dyan eh!

At dahil tuloy-tuloy na ang agos ng luha ko ay binilisan ko ang pag-lalakad. Hindi pa ako nakaka-abot ng pila sa sakayan ng jeep ay naka-ramdam ako ng pag-hahabol ng hininga at paninikip ng dibdib.

Kasalanan niya ito! Hindi naman ako aatakihin ng hika kung hindi ko siya nakita eh! Kainis!

Kinuha ko ang inhaler ko sa bag. Pinag-titinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakielam! Kailangan ko ng maka-alis dito!

"Ara.." Tawag ng isang pamilyar na boses. Boses ng isang lalaki.. Boses na nag-pasaya sa akin.. Boses na nag-bigay ng pag-asa sa akin.. Boses na minahal ko.. At siya ring boses na nanakit sa akin at iniyakan ko.

-----------

Cliffhanger ba? Sorry naaaa. ✌
Umepal si Gisette at Ara sa Love story ni Nellie at Velle. :D
Patikim lamang po yan ng bago kong story sa Wattpad. 'May FOREVER sa R.T.U.' po ang title. Hindi ko pa po napa-publish. Siguro po pag umabot na ako ng Chapter 25 sa B.L. :)

Sana po suportahan niyo din ang second story ko na MFSRTU. Thank you in advance po! :)

xxx, ParadiseBliss❤

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon