"Hoy Nellie, halata na kita ah."
"Ano na naman yan Loisa?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nag papanggap na naman si bruha
"Wag ka na nga mag-panggap. Obvious ka kaya."
"Para kang baliw Loisa. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo." Sabi nya sabay tayo at umupo sa upuan niya sa Accounting.
"Pabayaan mo na yan si Nellie, Loisa. In denial pa kasi siya ngayon." sabi ni Gisette sa akin. Hindi na ako sumagot at umupo na lang din sa upuan ko na katabi ng upuan ni Nellie. Nasa kaliwang side niya ako tapos si Velle sa kanan niya. Hindi niya ako pinapansin. Kay Velle lang siya naka-harap at sila lang ang nag-uusap.
After 1 and a half hour, pinauwi na din kami ng prof namin. As usual. WALA AKONG NAINTINDIHAN. Ang sakit talaga sa ulo ng subject na yun! At lagi na lang kaming late pinapauwi. 9:30 pm na. Mag-sasara na ang MRT kaya dinalian ko na ang lakad ko. Hindi na ako nag-paalam kina Gisette, baka kasi di ko na maabutan ang MRT, ayoko pa naman mag-bus.
Sa awa ng Diyos, naka-abot pa ako. Habang nasa train ay tinignan ko ang phone ko. May text galing kay Nellie at Gisette. Tinago ko na lang ulit ang phone ko. Mamaya ko na lang yun babasahin, pag nasa bahay na ako.---
"Tuwing Tuesday and Friday, laging late na ang uwi mo." Si daddy. Siya ang lagi ang nag-hihintay sa akin.
"Oo nga dad e. Late na kasi mag palabas yung prof namin." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Sige, mag pahinga ka na ha."
"Opo."
Pumunta na si daddy sa kwarto nila ni mommy. Nakaka-pagod! Humiga ako sandali sa kama ko at nilabas ang phone ko. Binasa ko na ang messages nila. Inuna ko yung kay Gisette.
Friend, di ka man lang nag-paalam. :( Ingat! :*
Friend, ingat ka ha? Gdnight. Labyu. :*
Sweet talaga niya. :)
Sunod na binasa ko naman ay yung kay Nellie.supeeeer good evening :'>
ang sarap talaga pag sya yung ksama. haha.>vellevelle: ingat sa pag uwi. :* harthart
gm. #tropangvellenellie
Yan daw ang walang gusto! Yan daw ang hindi papatusin ang tropa! Nakoooo! Ayaw pa kasing aminin. Maka-tulog na nga lang!
Papatayin ko na sana ang phone ko ng bigla itong tumunog. Ibig sabihin ay may nag-text sa akin.loisa.. friend. hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. di ko na dn maintindhan sarili ko.. sorry ha? bati na tayo friend ha :* -nellie
Hindi na ako nag-reply dahil inaantok na ako. Naka-ngiti ako habang pumipikit ang mata ko..
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...