(A/N: At dahil ang ikli ng Chapter 8 ko, dito ako babawi sa Chapter 9. Yiiieeee! Iniba ko lang po ng very very light yung totoong nangyari. Ito kasi yung na-iimagine ko. Wahihihi! :)
SUPER MEGA ULTRA BELATED HAPPY BIRTHDAY, VELLE! ❤
Si VELLE po yan. Real na real. Ang pretty noh? )
"Okay na ba yung mga ilaw? Yung music? Yung mga pagkain pala, naka-handa na? Yung mga roses baka malanta ha. Nasaan na yung mga isasayaw si Velle? Kumpleto na ba lahat?"
Hilong-talilong na si Nellie. At medyo nahihilo na rin ako kasi ang gulo niya. -_- Nako! Naka-make up ako pero feeling ko nalulusaw na kasi nai-istress ako sa kanya.
"Paki-lakasan pa yung aircon. Ang init!"
Reklamo ni Nellie. Aba, baliw pala to eh. -_-
"Kumalma ka kasi! Chill, okay? Magiging okay ang lahat."
"Kinakabahan ako, Loisa! Baka di ko masabi sa kanya mamaya yung mga gusto kong sabihin."
"Sus. Kaya mo yan! Wait lang ha? Retouch lang ako."
VELLE'S P.O.V.
First time kong magka P.O.V. Lubus-lubusin na. Hahaha!
"Ano ba talagang meron Chaelle? Bakit ako naka-suot ng long gown? Inayusan pa ako ni Lixy."
"Acquaintance Party ng HRDM. Eh diba, hindi mo naman ice-celebrate birthday mo ngayon kaya binilhan kita ng ticket para sa Acquaintance."
"Bakit kailangan naka long gown pa ako? Ito yung suot kong gown nung nag Queen of the Night ako nung JS PROM natin ah."
"Ang ganda mo kasi dyan. Tara na nga! Baka mag-start na yung program."
Hinila na ako ni Chaelle palabas at sumakay kami sa taxi. Kasama din namin si Lixy. At aba si bakla! Pak na pak ang make-up!
Tinignan ko ang sarili ko. Naka long gown ako na medyo bongga ang design at talaga namang Shining, Shimmering, Splendid. Parang nakaka-hiya naman. -_-
Hindi nag-tagal ay huminto ang taxi sa tapat ng school namin. Bakit parang wala namang kakaiba ngayon. Ginogoyo ata ako nitong dalawang ito e. -_-
Nag-lakad na kami papuntang building namin. Hindi naman kalayuan sa gate na pinasukan namin kaya medyo walang naka-kita. Papunta kami sa room namin every Monday and Thursday. Akala ko ba may party? -_-
"Bakit tayo nandito?"
Hindi na ako sinagot ni Chaelle. Seryoso ang mukha niyang binuksan ang pinto, ganun din si Lixy. Creepy.
Ang dilim-dilim ng room na ito. Anong gagawin nila sa akin? Oh my God! Baka na-insecure silang dalawa sa kagandahan ko kaya tatapusin na nila ang buhay ko! Lord! Heeeelp! Hindi ko naman po kasalanan na pinanganak akong maganda at mas maganda ngayon dahil sa braces kong green. Huhuhuhu!
1..2..3..
"SURPRISE!!!"
Habang kung ano-ano ang iniisip ko ay biglang bumukas ang mga ilaw at nag sigawan mga... CLASSMATES KO?!
"HAPPY BIRTHDAY, VELLE!"
Sabay-sabay nilang sabi. Aww! Touched ako! Nag-lakad na kami papasok ng room. Ang galing! Ang ganda! Naiiyak ako! I feel special!
"Oh. Wag kang umiyak. Baka pumangit ka."
Nilingon ko yun nag-salita. Si Nellie.
Kumakabog na naman yung dibdib ko. Naiilang ako kay Nellie. Feeling ko matutunaw ako sa tingin niya.
"Ang ganda mo ngayon ah? Hehe."
Halatang kinakabahan siya. Buti nga! Para parehas kami. Hehe.
"S-salamat dito ha? Ang g-ganda! Sobra!"
Ang ganda naman kasi talaga ng paligid. May mga mini banderitas, maliliit na flowers sa wall, christmas lights tapos may 'Happy Birthday Velle' pa na naka-dikit. May food at music pa. Tapos mga naka-ayos din sila. Ang saya! Nakaka-tunaw ng puso.
"Oh. Baka malusaw make-up mo."
Inabutan ako ni Nellie ng panyo. Dahan dahan kong pinunasan ang gilid ng mata ko.
"Thank you."
Medyo nahihiya kong sabi. Nakita kong natigilan si Nellie.
DUGDUGDUGDUGDUG.
Umaarangkada na naman ang tibok ng puso ko.
"N-nagustuhan mo b-ba?"
"Oo naman."
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Feeling ko lalabas na ang brace ko dahil ngiting-ngiti ako. Nakaka-tuwa talaga!
"May we call on the attention of the debutant at nung lover niya. May program tayo baka nakaka-limutan niyo."
Narinig ko ang tawanan ng mga classmate namin dahil sa sinabi ni Bea.
"Mali ata ako sa pag-pili ng mga M.C."
Dalawa kasi ang M.C. Si Beatrice yung isa tapos yung isa naman ay si Ara.
Hinawakan ni Nellie ang kamay ko at nag-lakad kami palapit doon sa upuan sa harap. Ang ganda ng upuan. May mga feathers at glitters. Parang pang-prinsesa!
"Simulan na natin ito. 18 candles. Iyakan muna! Mamaya na ang kilig."
Sabi ni Ara. Tapos ay tinawag na niya isa-isa yung kasali sa 18 candles.
Chaelle Gaylican
Beatrice Gutierrez
Sachie Medallo
Rina Aguila
Cherry Agatep
Marian Garais
Kim Bautista
Antonette Ramasta
Irica Capinig
Gilene Naive
Rizelle Laquindanum
Abiel Laman
Mharidell Balingit
Maika Banquilay
Heidylyn Monsayac
Erica Verga
Karee Chua
Kiara OlorosoUnang lumapit ang best friend kong si Chaelle.
"Hi be! Happy birthday. Thank you kasi naging mabuti kang best friend sa akin. You don't know, how thankful I am to have you in my life. A friend, sister, mother, and sometimes my clown. Thank you for always being there for me. Ayoko ng pahabain ito. Basta be, Happy Birthday! I love you!"
Lumapit si Chaelle sa akin at niyakap ako. Hindi ko mapigilang hindi maluha sa nangyayari. Iba! Ibang-iba.
Isa-isa na silang nag-salita at lalong nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko. I've never felt this special. :') Last na mag-sasalita ay si Ara. Lahat kami ay nanahimik at nag-hintay na mag-salita siya.
"Ehem. Hi! Hi sayo birthday girl! Beb! Happy birthday! Wala na ata akong masasabi dahil sinabi na nila lahat sayo. Siguro, I'll just agree na lang on what they've said about you. You really are adorable in your own little way. You are unique and that makes you special. Stay strong. Be strong."
Napaka-haba pa ng mensahe ni Ara at talagang tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na nararamdaman mo yung pag-mamahal ng mga naka-paligid sayo. Ibang klase. :)
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...