#3

280 3 0
                                    

Nagising ako sa kakaibang pakiramdam. Hindi ako kumportable na parang nangangati na ewan! Pag bangon ko ay saka ko lang naalala na hindi na ako nakapag-linis ng katawan bago matulog. Dala siguro ng sobrang pagod kaya mabilis akong naka-tulog.

Dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko at talaga namang nangangati ang katawan ko ay naligo na ako ng maaga.

Pagtapos kong maligo ay medyo maayos na ulit ang pakiramdam ko. Magaan na ulit. Nakita kong umilaw ang phone ko, ibig sabihin ay may nag-text sa akin.

friend.. seryoso na talaga ako kay Kim. di ko na talaga sya ipag-papalit. :)-Nellie

Hindi ko na siya ni-replyan. Magkikita naman kasi kami mamaya sa school tsaka wala na akong load e.

Nako! Ipapa-basa na naman sa amin ni Nellie yung malalaswang conversation nila nung Kim. Yan talagang si Nellie! Lason sa inosente kong utak! Hehehe.

friend. agahan mo pasok ha?? madami akong kwento sa inyo. hahaha!-Nellie

Odiba? Isa't kalahating maharot talaga!

Quarter to 12 na pala. Mag-aayos na ako para maaga ulit ako sa school ngayon. At syempre para mabasa ko ma agad yung conversation nila Nellie at Kim.

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon