Chapter 1: Pabo

18 5 0
                                    


A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.

Jewel's POV

"Hayst , kainis naman kasi mommy natutulog pa ang tao ehh at Isa pa Wala po akong balak na maligo ngayon." , reklamo ko dahil sa basang basa na ako.

Ang ganda na nga ng panaginip ko sinira pa ni mommy. Ngayon ko lang din na realize na nasa sahig na pala ako.

" Hinulog na kita't lahat ayaw mo pa ring magising ayan ang napapala ng palaging nagpupuyat diba ang sabi ko sayo iwasan mong magpuyat dahil may pasok ka" , mahabang sermon ni mommy.

Kaya bumangon na ako dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin at baka malate pa ako HEHEHE first day pa naman at bawal malate.

Gaya nga nang nasa panaginip ko sa Parkson International School ako mag - aaral malapit lang iyon. Kasama ko din ang ilan sa kaibigan ko, dream school namin yun at bago matapos ang school year namin nag take na kami ng exam mabuti na lang at nakapasa kami.

Pagkalabas ko sa banyo nakita kong tuyo na ang sahig.

"Bilisan mo na !", Malakas na tawag sakin ni mommy galing sa baba.

Nagmadali na akong kunin ang backpack ko. Hinablot ko na rin ang suklay ko.

' Sa daan na lang ako magsusuklay. '

" Oh ito magbaon ka dahil hindi ka na naman makakakain ng agahan dahil ang kupad mong kumilos.", ratrat ni mommy sakin.

Minsan sweet si mommy pero madalas mainitin ang ulo kaya hindi ko na lang sinasabayan baka magka royal ramble kapag sumabay ako.

Pero dahil sweet akong anak I kiss her cheeks and smile." Love you mommy , wag nang mainit ang ulo", sabi ko at kinuha ang pinapabaon ni mommy sakin.

Lumabas na ako ng bahay actually sa amin na ang bahay na iyan pinag ipunan ni mommy. Tig-isa kami ng kwarto , kami lang dalawa ni mommy dahil sabi niya patay na daw si daddy pero kung batang ako pa ang makikinig sa sinasabi niya maniniwala ako pero iba talaga ang feeling ko ehh.

Sino ba namang tao ang maniniwala na patay na yun kung walang maisip na dahilan ng pagkamatay.

---------------------------2008--------------------------

*Flashback*

Nakatingin lang ako sa mga classmate ko na sinusundo ng mga magulang nila. Karamihan sa kanila sinusundo ng mga daddy nila kaya minsan nagtataka ako kasi wala naman akong tinatawag na daddy , papa or tatay that is the reason why I am curious.

Nasaan ang daddy ko ? O kaya may daddy kaya ako tulad nila? Wala din namang matinong sagot si mommy kadalasan umiiwas sa tanong.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko nakita ko si mommy na nakasuot ng t shirt na white at maong na pants . Nakalugay ang buhok niya na hanggang balikat.

Ang ganda talaga ni mommy.

Naka ngiti siya habang papalapit sa akin at hindi iniintindi ang mga taong nakatingin sa kanya at nagbubulungan, Sa akin lang siya nakatingin. Palagi naman nilang ginagawa yan at hindi ko rin naman naiintindihan ang ibang sinasabi nila.

Hanggang sa mas umingay ang bulungan at narinig ko ang ilan sa pinag uusapan nila gaya ng:

"Ang ganda nilang mag-ina no!", Sabi ng Isa sa mga guro na dumaan.

"Grabe, halatang mayaman ang dalawang iyan tingnan mo ba naman ang pormahan ehh pang model .", Sabi ng isang babae na may edad na rin.

" Pero hindi naman yata yan model tingnan mo nga mukhang bata pa siya nung nanganak dyan. May agency pa bang tatanggap sa kanya? Yung kapitbahay nga namin nung nabuntis wala nang tumanggap sa kanyang agency.", kontra nung katabi nito.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon