A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.Jewel's POV
Nandito kami ngayon sa gym para mag p.e. pagkatapos nito ay uwian na. Sa mga nakalipas na oras ay hindi mawala ang paningin ko kay Kenshin. Bawat kilos niya ay pinagmamasdan ko gaya ng pagdi- dribble niya ng bola, bawat shoot na ginagawa niya at marami pang iba. Pati yata pag-inom niya ng tubig pinagmasdan ko maliban na lang nung nagpunas siya ng pawis niya.
' Baka pagkamalan niya kong manyak kakatingin.'
Buti nalang at hindi ako napapansin ng isang to, kung gaya lang ito ng mga nasa kwentong nababasa ko kanina pa niya ko napansin. Wala akong ginagawa kasi excuse ako. Kagagaling ko lang sa clinic kanina sabi ng nurse kailangan daw akong magpa x-ray masama daw kasi ang pagkakatama ng likod ko at kailangan makasiguro. Nakaupo ako sa isang bench dito at dapat magpapractice din akong magbasketball para next week maglalaban-laban kami. Malamang dapat babae sa babae at lalake sa lalake hindi kasi patas pagnakipaglaban kami sa mga to. Karamihan kasi sa kanila, magaling at hilig ang basketball maliban nalang kay Liam na nasa isang tabi lang at pinapanood ang mga kaklase namin gaya ko.
' Malapitan nga para may kausap naman ako ang boring kasi lahat sila nage-enjoy pati friends ko.'
Si Nicholas naman ay pinauwi na sa bahay nila , malala daw kasi ang tama niya. Pinagsabihan pa nga siya nung tatay niya at hindi sure kung isususpend. First warning kasi niya ito ngayong year. Nalaman ko din na isa sa may-ari nitong school ang mga Montevilla. Makapangyarihan ang mga ito at kahit na sino ay walang nakakapagpatumba. Bukod dun wala na kong alam dahil parang nabingi na ko simula nung nalaman kong si Kenshin ay si Park Hyun Woo.
Nahihiya na ko kasi ang taray taray ko at napakasungit na akala mo maganda. Kinahihiya ko na ang mga ginawa ko sa kanya simula nung first day. Ngayon ko lang din narealize na mabait siya at matulungin pero masungit.
Lumapit na ko kay Liam at huminto sa tabi niyang upuan. Nagbabasa na pala siya ng libro kasi kanina nanonood lang siya. Pansin ko din alagang-alaga niya ang katawan niya dahil masculado siya. Nagagamit kaya niya ang muscle niya sa mga bully or nagpapanggap siyang hindi niya kayang lumaban pero ang totoo kayang-kaya niya silang patumbahin sa isang suntok lang.
'Lakas magimagine ng mga bagay-bagay na malabong magkatotoo.'
" Pwedeng maki-upo wala kasi akong katabi dun at medyo boring na rin?", tanong ko sa kanya habang kinakamot ang batok. Napatingin ito nang saglit sakin atsaka tumango. Tinanggal niya ang bag niya sa katabing upuan para dun ako umupo at inilagay ang librong binabasa niya sa bag niya.
" Kumusta ka?", mahinahong saad niya.
" Ito, hindi alam kung paano sasabihin sa mommy ko ang nangyari sakin. Natatakot ako pagnalaman niyang basag na ang phone ko dahil sa away. Wala nalilito na talaga ko.", sagot ko at umupo na. Wala na talaga kong pagasa na mabawi galit ni mommy pagnagkataon lalo na't yung tungkol kay Korn beef na yun.
By the way si Korn beef ay hindi na naman pumasok ang sarap ipakulam o ipakain ko nalang sa aswang.
"May ginawa ka bang mali kaya ganyan ka mag-isip?", tanong nito sakin kaya napatingin ako sa kanya nang nakanguso habang tumatango pa.
"Mayroon pero hindi ko naman kasalanan ang lahat.", sagot ko at kwento na sa kanya ang buong pangyayari. Yung tungkol sa away na kinasangkutan ko dahil kay Korn bee- este Rhysand. Yung paghatid niya sakin sa bahay na nakita nina mommy at higit sa lahat ang pagtawag ni Korn beef sakin nang Baby Neodo. Wala siyang ibang ginawa kundi tumawa dahil sa kwento ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...