Chapter 14: Super I Or Super T

2 0 0
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.

Plagiarism is a crime always remember that.

Rhysand 's POV

Nagmomotor ako ngayon at parang wala sa sarili. Hindi, wala na talaga ako sa sarili ko. Walang suot na gears gaya ng madalas kong ginagawa. Gulo-gulo ang buhok at wala pang ligo o kahit na tulog man lang.

Gusto kong umiyak kaso parang naubos na ang luha ko simula kahapon kaya sumigaw nalang ako habang nagmamaneho. Walang tao o sasakyan ang makikita dito. Tanging ako lang at ang motor ko.

' Bitawan ko nalang kaya ang manibela ng motor at hayaan nalang kung saang ako tatama.', natawa nalang ako sa iniisip ko.


" HAHAHAHA BALIW KANA RHYS!", sigaw ko at tumawa na naman ng malakas. Unti-unting kong naramdaman ang mainit ng likido saking pisngi. Umiiyak na naman ako? Ang akala ko kasi tapos na.


" Hindi ako mahina para umiyak
* snuffle", sigaw ko sa sarili ko.


" Bakit kailangan may mawala kong kailan paayos na ko?! HUH Bakit?!", sigaw ko na naman at mas pinabilis ang pagpapatakbo.

*FLASHBACK


" Nakangiti ka na naman ng parang manyak.", natatawang bulong sakin ni Briezelle.

Tama, si Briezelle Forester ang first love at first girlfriend ko. First monthsary namin ngayon at nandito kami sa DawnTown Mall na pagmamay-ari nina Ren.

Si Ren at Denise ang close friends ko. Simula pagkabata magkakakilala na kami. Kaming tatlo ay may sariling mundo pero mas malala lang si Ren dahil binuhos na niya ang panahon sa pagkain pero wala paring nangyayari , patpatin HAHAHA. Siya yung tipo ng kaibigan na handa kang pakinggan sa lahat ng oras dahil ganun ka kaimportante sa kanya. Kahit busy siya gagawa talaga siya ng paraan para sayo. Madalas din naman kasi siyang busy sa pagkain. Si Denise naman ay napaka supportive na kaibigan. She really love watching me playing my guitar because she knows how I love music. Nagmana kasi ako kay Mommy, mukha palang kuhang-kuha na.


" H-huh? Hindi kaya, a-ang ganda mo kasi sa suot mo.", nauutal na sabi ko. Panigurado namumula na naman ang pisngi ko dahil sa kilig. Nakatingin kasi siya sa mismong mga mata ko.


Kapansin-pansing kahit simpleng damit ang suotin niya ay agad na bumabagay sa kanya. 
Her beauty is no effort pero hindi lang dahil sa ganda kaya ko siya nagustuhan. Hindi din dahil sa pera kundi dahil sa kabutihan niya. She's a nice person, yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Napakabait niya sa kahit na sino, napaka down to earth.

Noong nagconfess ako ng nararamdaman ko sa kanya dati at alam kong may gusto siya kay Tyler kaya nga nagulat ako na sinagot niya ko kahit ang layo-layo ng personalities at skills ko dun. At first time lang din namin nag-usap nun dahil talagang mahiyain ako sa mga babae.

" Kaya nga mukha ka nang manyak sa ngiti mo.", natatawang sabi niya.

" So, where do you want to go?",pag-iiba ko.

Isinabit niya ang kamay niya sa kamay ko at inihilig ang ulo niya sa balikat ko habang naglalakad.

" Uhmmm, there I want to buy new clothes. It's been three days na kasi since I buy new one.", excited niya sabi at hinatak na niya ko papunta   dun.


Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon