Chapter 3: Get to know

5 4 0
                                    

Jewel 's POV

" Okay let's start ! Introduce yourself sa harap . In your own way bahala kayo kung paano kayo magpapakilala at kung paano ninyo gagawing exciting ang pagpapakilala.",masayang bungad ng teacher na dumating.

In fairness batang bata pa siya, mga nasa 20+ ganoon. Napakaganda niya at halatang marami kang matutunan sa kanya. She is wearing dress , kulay peach ito bagay na bagay sa kanya dahil lumalabas ang pagka maputi niya. Naka lipstick lang siya at hanggang balikat ang wavy niyang buhok.

Naunang tumayo yung isang babae na halatang japanese. Bagay sa kanya ang short hair niya tapos eye-grazing din ang style ng bangs . Nakaupo siya malapit sa bintana doon sa unang row. Sliding glass window ito at natatakpan ng puting kurtina.

"My name is Asami Satsuma and I don't want to waste my time in introducing myself to anyone.", sabi niya habang nakatingin sa mga daliri sa kanan niyang kamay at tumingin kay Ma'am sabay irap.

Ngumit lang si Ma'am at senenyasan niya lang ang katabi ni Asami.
Sumunod naman ito pero wala ring gana.

*Sipol*

Napatingin lahat sa sumipol walang iba kundi ang lalakeng nasa likod ko.

" I was just trying to get your attention Ms.Cute kanina mo pa ako hindi kinikibo ehh", sabi niya kay Margot at kinindatan ito.

" Gusto mo rin.",lipat niya ng tingin sa akin sabay kindat. Inalis ko na ang tingin ko sa lalakeng korn beef.

Umiirap naman ang babaeng katabi ni Asami sa lalakeng korn beef bago ito magsalita.

" I am Miekayla Alvarez , 17 year old. Team captain ng volleyball team.", At umupo na.

'Wala bang live performance dito ang seseryoso ng mga tao parang walang buhay.' reklamo ko sa utak ko.

Sumunod naman si Liam pero wala akong narinig si Ma'am lang ata ang nakarinig sa kanya o hindi rin dahil biglang nagtawanan ang mga lalakeng malapit sa pintuan. At si Gia naman hindi pa nakakatayo pinagtawanan na kaya ending hindi na siya nagpakilala.

Hayy mukha bang exciting ang pagpapakilalang ito. Naiinis na ako kaya hindi na lang ako nakinig pero nabuhayan ang dugo ko noong si Top na ang magpapakilala.

"Ito ang exciting", nakangiting sabi ni Margot . Ngiti na lang rin ang sinagot ko.

"I am Christopher Dilgado,17 year old.", seryosong sabi ni top habang boses niya ay panlalaki. Nagulat naman kami tatlo at nagtinginan .

" Nahawa na yata sa kaboringan ng paligid. " , walang ganang sabi ni milla.

" Charrot! Ako nga pala ang diyosang si Christopher Dilgado . The goddess of beauty but you can call me top if you want.", masiglang pagkakasabi ng loka-lokang bakla habang nagpapaypay.

" I can split.", sabi niya sabay demo sa harap himalang hindi napunit ang pantalon niya.

" I can sing while playing basketball.", Dagdag na pagkakasabi niya sabay birit at kunwareng nagbabasketball . Ang ganda ng porma niya in shooting.

" Wow! New player na singer pa.", napatingin ako doon sa kabilang upuan sa likod , malapit doon sa lalakeng koreano. Nakangiti siya habang may hawak na water bottle. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom kasi may lunch box sa lamesa niya.

" Sana ol", naisa tinig ko kaya napatingin sa akin yung koreano pati na rin si Margot kaya nagbalik ako ng tingin sa harapan.

Nakita kong nakatayo na si Milla sa harap. Naka ponytail ang mahaba niyang buhok as usual at ang astig ng pakakatindig niya parang laging may kaway.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon