Chapter 6: Death bed in the rooftop

6 3 0
                                    


A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.

Jewel 's POV

Wednesday ( 12:00 pm)

Magkakasama kaming apat sa room para kumain ng lunch . Nagbaon na lang kami tutal dagdag gastos lang pagbumili kami sa cafeteria, ang mamahal kasi.

" Kailan ka mag au-audition sa drama club, top?", tanong ni milla.

" Sa sabado bakla . Sasama ka?", sagot naman ni top.

" Oo sana " , sagot ni Milla habang nakangiti ng ackward.

" Wow , papaimpress kay Papa Jasper.", pangaasar nito kaya binatukan siya ni Milla.

" Manahimik ka nga script writer lang ang magiging ganap ko dun.", panalakihan ni Milla ng mata si top. At kami naman ni Margot ay walang ginawa kundi panoorin sila habang kumakain.

" Sure ka ba?", paghahamon ni top.

" Oo naman! Dati pa ko gumagawa ng mga script sa mga play. Diba? ", puno ng confident na sagot ni Milla at kinuha pa ang simpatya namin ni Margot.

" Ako mag au-audition bilang female vocalist ng banda dito.", sabi ni Margot na nakaagaw ng atensyon ko.

' Hindi na ko pwedeng kumanta pa. Bawal na ako ng mga high notes o kahit na ano pa at kahit na anong pilit ko wala nang boses na lalabas pagkumanta pa ko.' isa na namang tinig ang nangibabawa sa pagkatao ko.

" Hoy!", tinig ni Top ang nagpabalik sa wisyo ko.

" Huh? Bakit?", napabuntong hininga na lang sila dahil sa tanong ko.

" Anong club ang sasalihan mo?", seryosong tanong ni Top.

" Hindi na to tulad nung grade 10 tayo. Required ang sumali sa bawat club.", paliwanag ni Milla. Si Margot naman ay todo tango sa sinabi ni Milla.

" S-sa j-journalism a-ako.", nauutal kong sagot sa kanila.

0_0 - sila

>_< - ako

" Sure ka Jewel?", hindi makapaniwalang tanong ni Margot.

Marunong naman akong gumawa at madali naman akong turuan.

" Oo", sa pagkakataong ito buo na ang desisyon ko.

" Baka mahati ang oras mo sa paggawa ng mga dapat gawin sa club at sa school works mo.", sabi ni Milla ng may pagaalala.

" Kayo din naman ahh.", sagot ko naman.

" Narinig ko kina Gia mamayang 2 na ang meeting dun.", kwento ni Top.

" Samahan ka namin mamaya.", prisinta ni Margot.


" Ayos lang kaya ko naman ehh.", nakangiti kong sagot.

" Sabay na lang kaya tayong mag audition. Diba kumakanta ka rin dati.", nanghihikayat na sabi ni Margot sakin kaya umiling ako nang may pilit nangiti.

" Hindi na ako kakanta wala namang matutulong sa pagiging future CPA ko yun. Hindi ba?", pagkasabi ko nun tiningnan ko sila isa-isa ng napakainosenteng tingin. Tumayo na lang ako at naglakad palabas ng room.

( Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad )

'12:30 pa naman dito na muna ko sa rooftop ng school.'

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon