Chapter 18

1 0 0
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.

Plagiarism is a crime always remember that.

Grammatical errors ahead!

______Way back 2010______

Nandito ako sa harap ni Mama Mary na nasa simbahan. Nakaluhod ako at nakapikit ng napakadiin. Naiwan kasi ako ni Mommy dahil siksikan sa labas nitong baclaran, napabitaw ako at napunta dito.

" Lord, sana po dumating na si Mommy. Natatakot na po ako.", umiiyak kong panalangin.

" Wala na nga po akong daddy pati mommy mawawalan ako. Please po i-guide po ninyo si mommy papunta sakin.", panalangin ko pa at doon ay bahagya akong napamulat dahil sa naamoy kong sigarilyo sa tabi ko.

" Ikaw ba yung anak nung babae sa labas? Hinahanap ka na pala ng Mommy mo dun.", sabi nito sakin. Kayumanggi ang balat nito at may puti na ang ilan sa hibla ng buhok niya. Nakasando ito ng puti na madaming dumi at nakapaa lang ito. Kita ko din ang isang pack ng sigarilyo sa bulsa nito.

" T-talaga po?", nabuhay ng loob na tanong ko pero biglang sumagi sakin ang pinag-aralan namin at mga bilin sakin ni Mommy kaya nag-alangan ako.

" Oo kaya sumama kana sakin para magkasama na kayo.", may halong pang-uuto ang tono ng boses nito.

" Wag nalang po baka po makita din niya ko dito.", bahagya akong humakbang papaatras noong sinabi ko yun.

" Papagurin mo ba ang Mommy mo sa paghahanap? Halatang nag-aalala na dun.", nakaramdam ako ng guilt pero pinanindigan ko ang sinabi ko.

" Papuntahin mo nalang po ang mommy ko dito para sure.", pagkasabi ko nun, umupo na ko sa upuan ng simbahan. Kita ko ang inis na namuo sa mukha niya at akmang lalapit sakin pero may matangkad na lalakeng umupo sa tabi ko.

" Hindi ka ba nahihiya sa Panginoon? Dito mo pa talaga pinamalas ang kasamaan mo sa tahanan Niya.", inis na sabi nung lalakeng nasa tabi ko. Gulat na tumakbo naman yung kidnapper. Napakabilis na parang hinahabol ng aso.

" Salamat po.", nakangiting sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kapayapaan noong dumating siya. Kahit nakashades siya at nakamask hindi naman siya nakakatakot.

" Walang anuman, maganda yung pinamalas mo hindi ka dapat basta-bastang sasama o makikipag-usap sa iba lalo na kapag hindi mo kilala. K-katulad ko.", natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

" Komportable po ako noong dumating kayo kumpara kanina.", nakangiting sabi ko.

" G-ganun ba? ", ramdam ko ang tuwa sa sinabi niya.

Pinagmasdan ko yung kabuuan niya, matangos ang ilong, naka-man bun ang buhok nito at hindi ko malaman kung ano ang height niya basta hanggang beywang niya lang ako kung sakaling tumayo na. Naka checked shirt siya at maong pants, kahit kaswal lang ang suot niya halatang gwapo.

Dahan-dahan itong napalingon sakin at ngumiti naman ako ng napakatamis sa kanya.

" May tatawagan lang ako, wag kang aalis dyan.", paalam niya sakin at tumayo na. Pumuwesto lang siya malapit sa sakin na alam niyang kita niya ako.

" Hello, alamin mo nga at ibigay mo sakin yung cellphone number ni Ma..... Sige hihintayin ko yan......text mo nalang sakin.... Pakibilisan aalis na ko mamayang gabi.", nagaalalang sabi nito sa kabilang linyan.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon