Chapter 4: He never say goodbye

7 3 0
                                    


A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.

Milla 's POV

* continuation of flashback*

Bago pa lang ako makapasok sa entrance nakita ko si Daddy kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Nasa may waiting area siya at naka tuxedo. Naririnig ko din ang classical na tugtog mula sa malayo. Halatang nagsisimula na ang party.

" What kind of outfit is that Camilla Martinez? You supposed to wear a dress or gown not like that. This is not a mall ; this is a party. Hindi ka ba nainform?", galit na bungad sa akin ni Daddy.

Nagbaba lang ako ng tingin at nilalaro ang mga daliri sa kamay.Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.

*Sigh

Sabay kaming napabuntong hininga ni Dad.

" Ok , follow me.",halatang wala nang magagawa si dad kaya niya nasabi yun.

Sumunod ako sa kanya papunta sa isang room. Mapaka elegante , pintuan pa lang yan. Talo nito ang laki ng kwarto ko na puno ng anime na merch. May mga tao din sa loob na halatang naghihintay , sa bilang ko mga lima sila. May mga iba't ibang klase ng dress at may mga make up sa harap ng salamin.

" Mukhang alam ko na to.", sabi ko sa sarili ko.

" Kailangan maging presentable ka sa harap ng mga tao dito dahil hindi ito basta bastang party.", sabi ni daddy sa akin .

Lagi naman siyang ganyan lalo na kapag mayayaman ang haharapin ko. Yes we're rich pero mas gusto kong maging totoo sa sarili ko kaysa itago ang tunay na ako sa iba. Mas gusto kong magsuot ng mga casual na mga damit kaysa mag dress or skirt. Hindi ko din hilig ang magpaganda para lang sa iba dahil mas gusto kong magpuyat kakanood ng mga anime at makipag bonding sa mga kaibigan ko. Bihira din nila akong isama sa mga ganitong klaseng okasyon dahil wala naman talaga akong interest dito.

" Kayo na lang ang bahala sa kanya.",sabi ni daddy sa limang tao dito sa loob ng room. Apat silang babae at isang bakla.

Pinagsuot muna nila ako ng white na robe tapos pinaupo ako sa swivel chair na nasa harap ng salamin. Hindi na ako pumalag pa dahil wala rin naman akong choice.

Pakatapos nila akong make upan kinulot nila ang buhok ko , simple hair curl lang ang ginawa nila tapos yung make up, light lang ayaw ko kasi ng masyadong pinakikialaman ang mukha ko kasi sa mommy ni Jewel lang ako may tiwala pagdating sa pagpapaganda.

V-neck long gown na color pink ang suot ko.
At hindi ako komportable.

' Hayst, hindi kaya kita na ang kaluluwa ko dito. Grabe dapat si tita Madi na lang ang pinag ayos sa akin mas may tiwala pa ako dun . Tapos tatanungin niya pa ako kung ayos lang sakin ang pinapasuot niya kaysa dito mga to may sariling utak hindi man lang magtanong sa may-ari ng katawan.' kunot noo kong sabi sa sarili.

Mas nainis pa ako noong ilabas noong bakla ang pares ng ankle strap pump sandals.

" Hep!", Kunot noo kong turo sa dala niya.

" Bakit po?", magalang niyang tanong sa akin.

" Ayos na ako sa rubber shoes ko at wala namang makakakita ng suot kong sapatos kasi mahaba to." , sabi ko habang kunot noong nakatingin sa kanya.

" Sabi po kasi ng Lola ninyo na ito po ang ipasuot namin sayo.", paliwanag niya kaya mas lalong nag init ang ulo ko.

" Wala akong pake, Si Lola ba ang magsusuot ? Diba hindi.", galit kong sagot sa kanya.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon