A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.Jewel's POV
Nasa isang eskeneta ako sa likod ng school.
Kitang-kita kong duguan na ang mukha ni korn beef ( Rhysand ). Putok ang labi at puno ng dugo ang kanyang noo. Nakaluhod siya sa sahig at pinapalibutan ng limang masculadong mga lalake. Ang isa sa kanila ay may hawak ng baseball bat at ang natitira naman ay may nakalagay na four fingers sa kamao.' Dehado ka na dyan ang lalaki ng mga katawan. '
" Alam mo bang nasa hospital siya ngayon at nag aagaw buhay. ", sabi ng lalakeng nasa harapan niya.
" Sinabi ko bang magpakamatay siya dahil sakin ?! Hindi diba ?!", inis na saad ni korn beef kaya isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap niya sa lalakeng kaharap niya.
' Tutulungan ko ba siya?', nanginginig kong tanong sa sarili ko. Hindi na rin ako makakilos sa pinagtataguan ko.
" Hindi mo nga sinabi pero ikaw ang dahilan!", sigaw nung may hawak ng baseball bat. Binigyan naman sila ng nanlilisik sa galit na tingin ni korn beef. Habang ako ay nasa isang sulok parin.
' Baka maubusan na siya ng dugo kapag napatagal pa to.', nag aalala na ako dahil puro dugo na rin ang uniform niya.
" Alam naman niya ang ugali ko at aware siya sa kalokohan ko. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na hanggang kaibigan lang kami !",galit na sabi ni korn beef sa kaharap niya habang nakikipagtitigan.
" Wala na kong pakialam sa mga dahilan mo kulang pa ang mga pasang yan sa dinaranas niya.", walang emosyong sabi nung lalake.
" Kung dyan kayo magiging masaya.", sagot naman ni korn beef at wala kang makikitang takot sa mukha niya.
' Ano gagawin ko dito manonood habang pinapatay siya? Kailangan may gawin ako.', pagpapalakas ko sa sarili ko at nakakita ako ng pamalong malapit sa may paa ko. Kinuha ko iyon kahit nag aalinlangan. Hahakbang na sana ko kaso nagtama ang mga paningin namin ni korn beef. Halata sa mga mata niyang pinipigilan niya ko.
Nagulat ako nang hahatawin sana siya ng baseball bat sa ulo pero hinawakan niya lang ito ng walang kahirap-hirap.
" Tama na yata ang pakikipaglaro ko no.", sabi niya at unti-unting binaling ang tingin sa mata nung lalake.
Kinuha niya ang baseball bat sa kalaban niya at winasiwas sa mga ito dahilan para mapaatras ang mga nakapalibot sa kanya. Nararamdaman kong napakalakas ng tama nun kapag nakahampas.
Susugod na sana yung parang leader nila pero hinampas siya ni korn beef sa may likod ng hita niya dahilan para mapaluhod ito sa sahig. Tinuhod din niya ang mukha nito. Sinugod naman siya mula sa likod nung lalakeng kaninang may hawak ng baseball bat pero mabilis siyang nakaikot at sinipa sa sikmura yung lalake. Ang natitira naman ay sabay na sumugod pero gaya ng kanina napigilan niya ang atake ng mga ito pinakawalan niya ang baseball bat na hawak niya at hinawakan ang braso nung dalawa. Pinilipit niya ang mga kamay nito at sabay na tinapon papunta sa mga naunang sumugod sa kanya na namimilipit parin sa sakit.
Pagkabaling niya ng tingin sakin ay agad niya kong nilapitan pero kita ko ang hirap niya sa paglalakad. Nakita kong unti-unting bumabangon ang mga nakaaway niya at galit na napatitig sakin. Hindi nagtagal naramdaman ko ang paghablot niya sa kamay ko at sabay kaming napatakbo. Kahit marami siya pasa at sugat mapapansin mo paring marami siyang natitirang lakas. Huminto nalang kami sa harap ng motor.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...