Chapter 19

0 0 0
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.

Plagiarism is a crime always remember that.

Grammatical errors ahead!

Triggered warning ⚠️

Jewel's POV

2 weeks na kong nabubully at nahihirapan sa school na ito. I feel so lonely kahit nasa tabi ko lang ang mga kaibigan ko. Alam kong nandyan lang sila at approachable kaso natatakot akong baka madamay sila, natatakot akong sisihin nila ako kapag nahirapan na sila. Hindi din nila deserve na mabully kasi wala naman silang kinalaman dito.

At ako lang yata ang pinagiinteresan nilang ibully dahil sa pag-alis ni Gia, hindi ko naman siya masisisi kasi napakawalang puso talaga ng mga bully dito. Wala siyang kasalanan dito mabait kaya siya.

* Flashback

  Friday

Papunta na ko sa room ng club namin dahil may meeting daw. Kasama ko ngayon sa paglalakad si Won-Shik dahil may dadaanan siya sa library. Tahimik naman siyang tao at kita kong mabait siya. Simple lang naman ang mga pinapagawa niya sakin gaya ng pagbili sa cafeteria ng mga pagkain niya at paglalagay o pagkuha ng mga gamit niya sa locker. Hindi naman ako nawawalan ng focus sa pag-aaral ko, hindi din nakakasagabal sa pakikipagbonding sa mga kaibigan ko.

" Alam mo sa sobrang bait mo hindi ko nakikitang nagkapalit tayo ng posisyon.", pangbabasag ko sa katahimikan.

" H-huh?!", gulat niyang sabi.

" Ang sabi ko sa sobrang bait mo hindi ko nakikitang nagkapalit tayo ng posisyon.", paguulit ko sa sinabi ko.

" A-ahhhh HEHEHE oo nga ehh noong una akala ko din pero mukhang tinatamad naman akong utos-utusan ka.", natawa naman ako ng malakas sa sagot niya.

" Wag kang mag-alala bibilisan ko ang pagbili ng mga pagkain mo.", natutuwang sabi ko.

" Sige ba! Pero pwede bang makisama sa inyong kumain, medyo bored ako kasi lagi akong mag-isa.", nahihiyang sabi.

" Kahit anong oras pwede kang makabonding naming magkakaibigan pero matanong ko lang bakit nga pala ako ang napagtripan mo?",  pagtatanong ko.

" K-kasi.....k-kasi medyo nakatingin yata sayo si Kenshin nun kaya kala k-ko m-may r-relasyon kayo. T-tapos uhmmm basta dahil yun kay Kenshin.", nauutal niyang sagot at halata sa mukha nito ang pagkahiya.

" Ahhh ano palang mayroon sa inyo ni Kenshin kaya hindi kayo magkasundo sa kahit anong bagay? Kahit sa recitation laging nagiging debate tapos bawat sabihin niya binabara mo.", curious kong tanong pero binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

" Ohhh b-bakit may problema ka ba sa tanong ko?", kinakabahang tanong ko.

" Ikaw nga kaninang recitation binara mo din ang kaibigan mong si Margot dahil pareho sila ni Kenshin na sang-ayon sa non-cash transactions.", sabi niya na ikinakunot-noo ko.

" Ya! My answer is right because it is not just making you exposed to identity theft dahil kapag napunta ka sa mga small town or villages na wala pang mga banks and other payment options magiging malaking problema yun sayo lalo na kapag kulang o wala kang dalang physical cash.", sagot ko na parang nakikipag debate na naman.

" Oo nga nandun na tayo sa point mo pero kasi medyo may pait ang pagkakasabi mo kanina.....parang debate na may halong selos HAHAHA", malakas na tawa ang pinakawalan niya habang ako naman nagbaba ng tingin at kagat pa ang ibabang labi.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon