Chapter 15

1 0 0
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination. May iba din dyan na base sa personal experience ko.

Plagiarism is a crime always remember that.

Rhysand's POV

" Sigurado po kayong pwede ko tong gamitin? Baka magalit po si Jewel sakin nito.", sabi ko habang nakatingin sa mga lumang damit daw ni Jewel . Oversized na shirt at pang-basketball na shorts ang binigay niya sakin.

" Hindi na niya yan masyadong ginagamit kaya ok lang. At pwede ka din matulog sa kwarto ko, tabi nalang ako sa anak ko sa pagtulog.", sagot naman ng mommy ni Jewel sakin. Busy siya sa pagluluto sa kusina at nasa sala naman ako.

" Dito nalang po ko sa sala HEHEHE nakakahiya naman po, kasi dito mo na ko pinatuloy pansamantala tapos ako pa po ang matutulog sa kwarto ninyo.", sabi ko habang kinakamot ang batok.

" Baka lamukin ka dyan?", sabi niya at natawa naman ako ng mahina.

" Malakas naman po resistensya ko dahil kumpleto po ko sa bakuna.", sagot ko.

" Sabi mo yan, walang sisihan.", paniniguro niya at napa-iling nalang ako.

" Ano nga po pala ang pangalan ninyo, ma'am?", tanong ko.

" Madison Fortelza, bahala ka nalang kung anong gusto mong itawag.", sagot niya.

Naglakad naman ako papunta sa kusina at sumandal sa may pinto nito habang nakatingin sa kanya ng may pagtataka.

" Pareho po kayo ng apelyido ni Jewel? Nasaan po ang tatay niya?", tanong ko ng puno ng pagtataka.

Bahagya siyang napatigil nang parang may iniisip.

" Uhmmm, yun ang gusto ko, hindi naman niya ko pinigilan.", mahinang sagot niya habang nakayuko.

Napa-HUH?! nalang ako sa aking isipan.

Nabalot naman ng katahimikan ang paligid.

Nang biglang......

" Hayyyy! Ikaw na bata ka maligo ka nalang puro ka tanong!", mabilis na sabi niya at naramdaman ko naman na parang may iniiwasan siya.

'Pareho silang mag-ina nagbabago ang pag-iisip pagkalipas ng sandaling katahimikan.'

" Wag nalang po kaya kong maligo parang tinatamad ako ehhh.", kunwareng sabi ko kahit init na init na ko sa suot ko.

" Hayyy, parehong-pareho kayo ng anak ko kunti nalang ang ginagawa tinatamad pa!Maligo ka dahil mabaho kana. Kahit may pinagdadaan ang isang tao isipin mo ang mararamdaman ng mga taong nasa paligid mo kapag naamoy ka nila.", seryosong sagot niya sakin at agad na umalma ang buong pagkatao ko.

" Diretsahan po talaga!", alma ko.

" Anong gusto mo magsinungaling ako na mabango ka parin? Gwapo kang bata at hindi rin bagay sayo ang maging mabaho.", sabi niya. Napatingin ako sa gawi niya at lihim na napangiti.

'Like mother, like daughter.', sabi ko sa sarili ko.

Kanina kala ko magagalit siya sakin dahil sa pagtawag ko kay Jewel ng Baby Neodo pero nung kwenento ko ang dahilan natawa nalang siya. Sa tingin ko namana ni Jewel sa Mommy niya, ang pakikinig sa mga taong may problema at ang pagsama sa kanila kahit maubos pa ang oras nila para sayo parang wala silang pake. Kung hindi ko alam ang bahay nina Jewel paniguradong wala akong mapupuntahan at makakausap. Ayaw kong makagulo kina Kenshin sa pagpapractice nila, importante din kasi yun. At si Denise naman....

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon