A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination. This is pure fiction.Medyo sensitive din ang chapter na ito and always remember gawa-gawa lang ang mga scenario dito. 😉
Jewel's POV
* Cafeteria*
Nakahanay kaming tatlo sa harap ng cafeteria.
Ako ang nasa gitna ,nasa kanan ko si Top at sa kaliwa naman si Margot. Wala pa namang mga tao dito kaso halatang mamahalin ang mga pagkain sa loob. Malawak ito at napakalinis parang kahit na anong dumi mahihiya nang mapunta sa school na ito. Wooden bricks din ang design ng mga walls dito sa buong school." Ano mga teh ready na ba kayong maubos ang allowance ninyo?", tanong ni top habang nakatingin pa rin sa cafeteria.
" Kayo lang may baon kaya ako dito.", sagot ko .
" Ako ayos lang basta para sa pagkain.", masayang sambit ni Margot at napatingin naman kami sa kanya.
*Fast forward
Kinuha ko na ang baon ko sa bag. Habang si top ay nilalapag sa lamesa ang kanyang biniling sandwich at mango juice. Si Margot naman ay nasa pila pa.
" 9 na pala !",gulat na sabi ni top kaya pati ako nagulat na rin.
" Nasaan na kaya si Milla nag aalala na ako dapat yata sinundan natin siya.", singit ni Margot na may dalang tray. Spaghetti with chicken at may chocolate cake rin na kasama . Ang inumin naman niya ay iced choco, may tubig pa siya.
' Sana ol hindi tumataba kahit ang daming kumain.'
" Saan naman tayo susunod ? Diba nga nawala sila ng parang bula noong sinundan natin sila.", sabi ko at nagsimula nang kumain . Ang baon ko ay hotdog at kanin. Ganito talaga ang baon ko kapag tanghali ng gising si Mommy. Kinulang siya sa time para magprepare.
Nahagip naman ng mata ko ang entrance nitong cafeteria at nakita kong magka HHWW si Milla at Mr. Pala desisyon kaya nabulunan ako.
* Cough*
" Hoy! Hinayhinay bakla hindi ka naman aagawan ni Margot. Ohh tubig.", tarantang sabi sakin ni top at si Margot naman binigay sakin ang water bottle sa tabi niya.
Tinuro ko sa kanila sina Milla habang iniinom ang tubig at halata din sa mukha nila ang pagkabigla. Nakangiti ng nahihiya si Milla habang papalapit saming tatlo.
" Anong mayroon?", nakataas ang kilay ni top habang tinatanong niya yun.
" Uhmmm......", halatang nagaalinlangan si Milla at napatingin pa sa lalakeng kasama niya kanina pa.
" Ano ?!", kinabahan ako dahil ngayon lang naging kulang sa pasensya ang boses ni Top.
" Uhmmm.. f- fiance ko nga pala g-guys , si Jasper Kale Ruiz.", kabadong sabi nito samin.
" Wow 0_0 Talaga ?!", Excited naming sabi ni Margot pero bigla nalang umalis si Top. Nakita ko namang hindi pa siya tapos kumain.
" Hoy! Bakla hindi ka pa tapos." tawag ko kay top pero naglakad lang siya.
" Uhmm mag uusap muna yata kami.", sabi ni Milla kay Jasper.
" You sure?" ,tanong naman nito at tumango si milla.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...