A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.Jewel's POV
Nakalipas na ang ilang minuto pero nananatili parin akong nakapikit at nakalagay ang dalawang kamay sa ulo. Wala akong nararamdaman na tumama sakin o kahit saanman. Nakakabinging katahimikan rin ang bumabalot sa room namin kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nakatayo sa harapan ko si Kenshin habang nakatalikod sa gawi ko.
Tumayo ako ng maayos at maglalakad sana papalapit sa kanya pero pinigilan niya ko gamit ang kaliwa niyang kamay.
" Just stay at my back.", maawtoridad niyang utos habang nakatingin sa lalakeng hawak sa kwelyo si Nicholas. Duguan na ang mukha nito at halatang hindi na makahinga. Hindi naman mapakali sa kani-kanilang pwesto ang mga kaklase namin. Lahat sila ay nagkukumpulan sa isang tabi at nagbulungan.
Napatingin naman ako kay Kenshin na nakatayo lang at halatang hindi kinakabahan sa sitwasyong ito. Nahagip din ng mga mata ko ang baseball bat na dapat ay tatama sakin.
' Paano niya kaya nasalo yun ng walang kahirap-hirap? O kaya nagfe-feeling astig lang to tulad ni Korn beef.', sabi ko sa sarili.
" What is happening here, Mr. Montevilla?", nangilabot ako sa tanong ni Kenshin sa lalakeng may hawak kay Nicholas dahil kakaiba ang tonong yun.
Blonde ang buhok nito na nakabarber cut. May hikaw siya sa right ear niya na parang may letter pero hindi ko na naaninag pa dahil bigla itong kumislap. Dahan-dahan niyang inilipat ang galit na tingin kay Kenshin. Salubong ang kilay niya at kahit hindi ako ang tinititigan niya ay parang sakin siya nakatingin. Bigla nalang nanginig ang tuhod ko at parang hindi ko na kayang gumalaw pa. Nakakatakot ang mga titig niya parang nakamamatay. Ang bilis na nang tibok ng puso ko at hindi na alam kong anong gagawin pero nahagip ng mata ko ang kalmadong mukha ni Kenshin. Nakaramdam ako ng kunting kapayapaan na hindi ko alam kong saan nagmula.
" This is not your F*CK*NG BUSINESS, so BACK OFF!", nagtayuan ang balahibo ko nung sumagot yung lalake. Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak kay Nicholas. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.
" T-tama na yan!", sigaw ko.
" Kung may problema ka sa tao pag usapan ninyo ng maayos, hindi yung papatayin mo siya sa suntok.", matapang ko pang sabi habang salubong ang aking mga kilay. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sabihin ang mga salitang yun pero alam kong kailangan ko nang makialam.
" How dare you to talk to me like that?!", pasigaw niyang tanong at biglang hinagis si Nicholas papunta sa mga kaibigan nito. Galit siyang lumapit sakin at marahas na kwenelyuhan ako. Parang wala siyang pakealam kung babae ako dahil ramdam ko ang lakas niya habang unti-unting hinihigpitan ang pagkakahawak sakin.
" S-sige i-itul-loy m-mo. H-hindi n-na ko t-takot m-mamatay.", sabi ko kahit hirap na sa paghinga. Para kasing kampante akong makakaalis ako sa mga kamay niya. Kahit alam kong nanginginig na ko at takot, nakipagtitigan parin ako sa kanya.
" You really want to die, HA?!", sigaw niya sa mismong mukha ko at napapikit dahil parang nabingi ako sa sigaw niya. Ang lakas ng boses niya na akala mo ay isang dipa ang layo ng kausap. Naaamoy ko din ang mint scent sa bibig niya at ang masasabi ko gwapo siya. Gwapo siya, walang halong biro pero hindi matatanggal ng kagwapuhan niya ang masama niyang ugali na ipinapakita sakin.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
أدب المراهقينNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...