Chapter 10: Think tik ki tok

10 3 1
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.

Jewel's POV

Friday (7:00 a.m.)

" Hayst kainis naman!", nangingiyak na sabi ko dahil nasunog ang kanin na niluto ko.

Nakarinig ako ng yabag ng paa papunta sa kusina kaya mas lalo akong kinabahan. Dali-dali kong inalis sa stove ang kaldero atsaka tumayo ng tuwid habang nakatingin sa pintuan papunta sa kinaroroonan ko.

" Ang laki laki mo na nakakasunog ka parin ng kanin. ", bungad ni mommy habang nakapamaywang.

" Sa susunod mommy sa rice cooker nalang ako magsasaing para sure.", sabi ko.

" Tapos labog naman ang sinaing mo?", sarkastikong tanong niya sakin at pinanlakihan pa ako ng mga mata.

" Ayaw mo nun mommy yung mga tutong gagawin natin rice coffee. Diba favorite mo yun?", confident na sabi ko. Napaisip naman siya sa sinabi ko.

" Aish! Sige na nga bumili ka muna sa canteen ninyo.", sabi niya sabay abot ng 200 pesos sakin kaya nanlaki ang mata ko.

" Ohh, bakit ganyan ang mukha mo? Titipirin mo yan.", dagdag pa niya habang tinuturo ang pera.

" Noted po.", sagot ko nang nakasaludo at ibinulsa na ang pera.

" Maghain kana.", sabi ni mommy at umalis na.

Ang dining area namin ay katabi lang ng sofa tapos rectangular shape ang dining table na kasya ang anim na upuan. Bakit anim na upuan? Dahil madalas bumibisita dito ang mga friends ni mommy (yung mga katrabaho niya noong chapter 7).

Kinuha ko na ang parte na hindi sunog at inilapag na sa lamesa ang mga pagkain namin. Dalawang sunny-side up egg at dalawang hotdog. Puro process foods talaga ang pagkain namin tuwing umaga at kapag sinapian kami ni Katam.

Nagumpisa na kaming kumain at tahimik lang kaming dalawa. Gamit ni mommy sa pagkain ay kutsara at tinidor habang ako ay naka-kamay lang. Marami naman talagang kutsara at tinidor dito kaso tamad akong maghugas kaya nagkakamay nalang ako.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay may tanong na nagpop up sa utak ko kaya kumuha ako ng baso atsaka uminom.

" Mommy, maganda pa kaya ang boses ko?", seryosong tanong ko. Poker face naman ang mukha ni mommy nang tumingin siya sakin.

" Hindi ko alam. Hindi ko rin naman naririnig ang boses mo simula nung tumigil ka sa pagkanta.", sagot ni mommy nang may lungkot na namumuo sa mga mata niya.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

" Mommy, pwede bang umabsent ngayon?", biglang nagbago ang ekspersyon ng mukha ni mommy. Kunot ang noo niya at halatang magliliparan ang mga gamit namin kapag nagpatuloy ang galit niya.

" Hindi pwede, JEWEL. Friday ngayon at baka nakalilimutan mo yung Baby Neodo na yun.", madiin na pagkakasabi ni mommy sakin.

' Ang korn beef na yun! Sa stage ko lang nakita at hindi ko pa naabutan sa back stage dahil may humarang sakin na gwa-panget! Oo tama PANGET NGA SIYA!', sabi ko sa sarili ko. Nagmadali na akong ubusin ang pagkain ko at hindi pinansin ang sermon ni mommy.

" Mag- *gulp* magpapalit na po ko sa taas.", nagmamadaling paalam ko at mabilis na tumakbo sa taas. Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi na ko lumingon pa dahil alam kong tungkol kay korn beef ang paguusapan namin.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon