Margot's POV
Thursday (7:20 a.m.)
Katatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa study table .
(1) message
From: Shiny Jewel
Ganda ko ! Hahahaha Charr
Sunduin mo ko dito sa bahay. Galit si mommy.
Thurs at 7:21To: Shiny Jewel
Mas maganda ako. Hahahaha Anong ginawa mo?
Thurs at 7:21From: Shiny Jewel
Long story, bilisan mo na may gugulpihin pa ko sa school.
Thurs at 7:21To: Shiny Jewel
Baliw, si Milla ka?
Thurs at 7:22From: Shiny Jewel
Magiging palang kapag tinagalan mo pa.
Thurs at 7:22Lumabas na ko sa kwarto nung nabasa ko ang last message ni Jewel.
'Sino kayang kaaway nun? Ngayon lang to nangyari ahhh.'
Pagkababa ko sa hagdanan nakita ko si Tita Malou ang yaya ko, na hinahanda ang choco drink ko pati narin ang 5 box ng Pocky na chocolate flavor. Namataan ko rin si Kuya na nakaupo sa kitchen table at busy sa kanyang laptop. Siya na ang nagpapa-aral sakin simula nung naghiwalay sina Mama at Papa. Wala na kami sa poder nilang dalawa pero pag may time sila pumupunta sila dito. Nagtatrabaho siya sa isang sikat na company ng mga sasakyan, ang Streetpro ito ay isa sa pagmamay-ari ng mga Gil.
" Ohh, nariyan kana pala Marjorie, kumain kana ng mga niluto ko.", sabi ni Tita Malou at
hinawakan ang kamay ko ." Sa school na lang po ko kakain. ", tanggi ko ng nakangiti at nilagay na sa bag ko ang mga babaunin ko.
" Kuya, kumain kana rin at wag mong masyadong stressin ang sarili mo. Babye Kuya! Babye Tita!", sabi ko pa at hinalikan sila isa-isa sa pisngi. Tumakbo narin ako papuntang pintuan.
" Mag-ingat ka palagi!", dinig kong sabay nilang sabi sakin at kumaway nalang ako ng hindi nakatingin sa kanila.
Malapit lang ang bahay namin kina Jewel actually sa isang subdivision ako nakatira at walking distance lang ang paglabas ng gate. Yung apartment nina Milla at Top ay magkadikit lang kaya lagi silang magkasabay pumasok. Pagmamay-ari rin nina Milla ang apartment na yun.
Nasa tapat na ko ng bahay nina Jewel ngayon, medyo luma ang labas nito pero sa loob mukhang pangmayaman dahil napakaorganize ng mga gamit nila. Si Tita Madison ay isang napakaganda, masipag, at mapagmahal pero masungit na ina.
' Ano kayang kalokohan ang ginawa ni Jewel kaya galit si Tita Madison.'
" Jewel Fortelza! Hindi ka talaga papasok hangga't hindi pumunta dito yang lalakeng yan! Kailan ka pa natutung magsinungaling sakin?!", rinig kong sigaw ni Tita mula sa loob, nasa gate ako ngayon. Nakita kong bukas ang gate nila kaya pumasok na ko, lagi naman akong nandito at halatang kailangan na ng tulong ni Jewel.
" Mommy, promise po wala akong boyfriend at kahit kailan hindi ko magiging boyfriend ang korn beef na yun.", dinig kong depensa ni Jewel .
' Sinong korn beef yun? Ngayon ko lang narinig yun sa kanya ahhh.'
" Kung di mo siya boyfriend bakit ka niya tinawagan para gisingin at ang sabi pa niya 'Baby Neodo, gising na!' with a sweet tone pa. Anong hindi boyfriend dun at mayroon ka pang nalalaman na korn beef. May endearment pa kayo sa isa't-isa.", pagkasabi ni Tita nun kumatok na ko sa mismong pinto nila na nakabukas. Napatingin naman silang dalawa sakin.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...