A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.Plagiarism is a crime always remember that.
Grammatical errors ahead!
Chapter 22 - The difference between the infatuated and in love
*Continuation
Saturday ( 8 am)
Tahimik kaming nakatayo ni Kagami sa harap ng Parkson. Sobrang taas ng bakod nito kaya wala kaming maaninag at wala din akong kahit na anong idea kung ano ang itsura nito sa loob kasi never pa akong nakakapasok dito. Nakasarado pa ang gate nito kaya taka kong tiningnan si Kagami dahil hindi ko alam kung bakit araw-araw kaming humihinto dito. Habang kita ko ang pagiging seryoso niya hindi ko maiwasang mapaisip ng kung ano- ano.
" Uhmmm-", babasagin ko sana ang katahimikan na nakapalibot samin kaso biglang nagyaya si Kagami na aalis na kami.
" Halikana diba tumakas lang tayo kay Tita mommy?", seryosong yaya nito.
Wala nalang akong ibang nagawa kundi ang sumunod. Sa paglalakad namin hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya. Sobrang seryoso niya at hindi ako sanay sa aura niya. Napapahigpit na rin ang kapit niya sa pulsuhan ko at nagulat ako noong patapon niyang inalis ang pagkakahawak niya sakin. Napahinto kami sa paglalakad at......
* Slap
Gulat akong napatingin sa kanya nang bigla niyang sinampal ang sarili niya. Halata na sa mala porselana niyang pisngi ang pamumula.
" H-hoy bakit mo ginawa yun?", gulat kong tanong pero ang nagawa nalang niya ay ang umiyak. Niyakap niya ang tuhod niya at doon siya pilit na sumisigaw.
Wala akong idea sa nangyayari sa kanya pero ang tanging alam ko lang ay may pinagdadaanan siya.
* Fast forward
" Tama na yata ang isang linggo hindi ba? Natuto naman tayo. Wag na tayong sumali sa bandang yun wala din naman tayong alam kung mapagkakatiwalaan ang mga kagrupo natin. Hindi ko na din alam kung magpapatuloy pa ko kasi kailangan ni mommy ng magbabantay sa kanya.", mahinang sabi sakin ni Kagami noong nahimasmasan na siya.
" Palala na ba nang palala ang sakit ni tita?", tanong ko at agad naman siyang tumango. Kita ko parin sa mata niya ang lungkot.
" K-kaya gusto ko na sanang tumigil dahil gusto kong manatili sa tabi ni mommy. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mananatili. Masyado na siyang mahina at palala na rin nang palala ang lagay niya hindi ko kayang ngumiti, kumanta at magperform habang ang nanay ko ay unti-unti nang namamatay sa ospital. ", dama ko sa bawat salita niya pati na rin ang hapdi at kirot.
Tama nga siya kahit ako ang mapapalagay sa posisyon niya hindi ko talaga kayang mawala sa tabi nang kaisa-isang pamilya ko.......pero kaya ko namang ipagpatuloy ito para kahit papano makatulong ako kina Kagami.
" Sasali parin ako!", deretsyang sabi ko.
" Ano ba wag na?!", kunot noong angal niya sa sinabi ko.
" Wag na! Hindi ka naman sigurado kung mananalo ka o hindi ehh! Atsaka kung.....titigil ako maiiwan ka dun at hindi ko naman hahayaang puro lalake lang ang kasama mo sa banda.", nagaalangang sabi niya pa sakin.
" Mukha naman silang mabait.", depensa ko.
" Mukha lang pero tatandaan mo ayaw nilang ipaalam ang identity nila satin kaya....wag nalang kasi baka r*pist pala ang mga yun!", sabi niya sakin habang tinuturo ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...