A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination.Margot's POV
Palinga-linga ako ngayun dito sa backstage dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dito daw kasi magpaparegister ang mga contestants pero wala naman akong makitang taong nagpaparegister. Sina Top at Milla ay magkasama, bawal daw kasi dito ang mga hindi kasali sa audition habang si Jewel naman ay may ginagawa. Sayang hindi ko natanong doon sa lalakeng nasa entrance kung saan magpaparegister nakalimutan ko kasi ehh.
" Anong nangyari sayo ?! Sinong gumawa niyan, resbak na ba?!", Dinig kong tanong ng pamilyar na tinig kaya dali-dali akong pumunta sa pinagmulan ng boses na yun. Baka kasi matulungan niya ako, wala din kasi katao-tao sa paligid.
' Ano kayang ganap kaya wala man lang tao dito ? '
Napapunta ako sa tapat ng isang dressing room at nakita ko si Ren dahil may maliit na awang sa may pintuan. Hindi ko din naman alam kung sino ang kausap niya dahil siya lang ang nakikita ko.
" Nagpa check up kana ba?", dinig kong tanong ni Jasper.
" Yes, kaninang umaga, medyo natagalan din ako dahil pinax-ray pa nina Lolo ang ulo ko pati narin ang kamay.", kwento ni Rhys ?
'feeling close lang'
" Who did that thing to you?", dinig kong pang tanong ni Kenshin.
" I'm fine now, gagaling din naman to.", sagot ni Rhys.
' Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Makaalis na nga baka may marinig pa kong hindi dapat.' sabi ko sa sarili at umalis na.
Sa di kalayuang nitong dressing room may nakita ko ang hagdanan papuntang stage kaya pumunta ako dun para magbakasakali. May nakita akong isang magandang babae na nakasalamin kaya nilapitan ko ito.
" Uhmm, excuse me po, saan po yung registration area dito para sa female vocalist ng Phoenix?", nahihiyang tanong ko.
" Sasali ka ?!", gulat na sabi nito. Kahit nagtataka ay tumango ako.
" Here, isulat mo dyan ang name mo at magsta-start na tayo in 5 mins hintay ka na lang.", pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
" Drax ! Ikaw na lang ang kumuha ng paper sa kanya tatawagin ko lang ang Phoenix.", dinig kong sabi niya sa lalaking may hikaw sa isang tinga. Lumapit naman ito nang nakanguso.
" Ang alam ko journalism ang sinalihan ko at hindi tagapagayos ng event. Hayst!",reklamo nito.
Itinuon ko na ang tingin ko sa paper na binigay sakin pero nagulat ako sa nakasulat.
" T-totoo b-ba t-to? I-isa palang ang nakasulat ?!", Gulat kong pagkakasabi.0_0
' Melody Claire Garrison , Grade 11- H.E'
" Oo, may problema ba dun?", bored na tanong sakin ng Drax ang pangalan.-_-
' Seryoso ba siya?'
" Ang inaasahan ko marami nang kasali. Bakit ganun?", sabi ko.
" Simple lang, ALAM NILANG HINDI SILA PAPASA SA STANDARDS NI PARK HYUN WOO .", sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.
" Park Hyun Woo ?", nagtatakang sabi ko.
" Park Hyun Woo also known as Kenshin Park. Dating sikat na solo artist sa korea. ", sagot niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
أدب المراهقينNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...