A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.Plagiarism is a crime always remember that.
Grammatical errors ahead!
" Get up! Bakit kasi nagtago ka pa dyan, yan tuloy nagselos ang boyfriend mo?", natatawang sabi ni Tyler at tumayo naman ako habang galit na nakatingin sa kanya.
" Hindi ko siya boyfriend!", galit na depensa ko.
" Ok ", maikli niyang sabi at umupo na ulit sa couch. Nagsindi na ulit siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ako.
" Gusto mong tusukin ko yang mata mo! Tigilan mo nga yan para kang manyak!", kunot noong sabi ko. Tumayo naman ulit siya at binuga sa mukha ko ang usok kaya napaubo naman ako. Tawang-tawa siyang bumalik sa pwesto niya at nakadekwatrong umupo habang nakatingin na naman sakin.
Binato ko sa kanya ang cream tassel throw pillow na nasa tabi ko pero nasalo niya ito habang patuloy parin sa paghithit.
' Wala yatang talab ang kahit na anong galit ko sa isang to dahil dinadaan niya lang ako sa biro. Makauwi na nga lang.', galit na sabi ko sa aking isip. Hinablot ko kaagad ang bag ko at naglakad na papuntang pinto kaso bigla siyang may sinabi na naging dahilan para mapatigil ako.
" Your mother's name is Madison Fortelza Levine.", kunot noo akong napalingon dito pero nakatingin lang ito sa sigarilyo niya.
" L-levine?", mahinang usal ko.
" George Levine is the one who made this. He is your mother's father pero ang dinig ko anak lang siya sa kabit nito at hindi pinayagan ng legal family ng Lolo mo na magmana ng kahit na ano ang mommy mo noong namatay ito kahit nag-iwan naman ito ng mamanahin niya.", mahinang sabi nito. Patakbo akong lumapit dito at takang tinginan siya.
" So kung ikaw si Jewel na anak ni Madison? (*smirk) There's something between us na hindi ko pa malaman kaya sasabihin ko nalang sayo kapag na kumpirma ko na.", sabi niya at hinawakan ang kamay ko papuntang pintuan. Binuksan niya ito at patulak na pinalabas ako pero hindi naman malakas.
" Hoy! Anong ibig mong sabihin?!", tawag ko dito. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nilock na niya.
" Hoy! Please!", pakiusap ko pero hindi ito nagbigay ng kahit na anumang response.
* Sigh
" Kung hindi mo sasabihin at inaalam mo palang, kay mommy na mismo ako magtatanong.", galit na bulong ko sa sarili at patakbo na umalis nang school.
-----
" Mommy! Madison Fortelza Levine ba ang buo mong pangalan?!", hingal na tanong ko kay mommy. Hawak niya ngayon ang phone habang nasa barber seat ni Momshie Lori halatang may katawagan ito ngayon pero hindi ko ito pinansin.
" Mommy!", tawag ko ulit at kita ko ang pagkunot ng noo niya. Pinatay niya ang tawag at tinginan niya ako ng masama.
" Saan mo nalaman yan?", inis na tanong niya.
" Ikaw po muna ang sumagot. Bakit ka po naglihim sakin? Kahit yung tungkol sa daddy ko wala akong nireklamo dahil umaasa ako na balang araw sasagutin mo din ang tanong ko pero mali! Dumating nalang yung araw na umiyak ka pero wala akong idea sa iniiyakan mo tapos sinabi mo kina Loula beks na nakikipaghiwalay na ng tuluyan sayo ang daddy ko. Hindi lang pala tungkol sa tatay ko ang nilihim mo sakin mommy pati po buong pangalan mo. Totoo po bang nakilala ko ikaw o hindi? Bakit po naglihim ka pa sakin kung pwedeng sabihin mo nalang? Hindi naman po ako magrereklamo kasi pangalan lang naman yun kaso kaya pala palagi mong kinakausap ang mga teachers ko dahil may mali sa mga information na binibigay mo sa school. ", hindi makapaniwalang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...