Chapter 16

2 0 0
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.

Margot's POV

" Ang boring ! ", reklamo ko at pabagsak na hiniga ang katawan ko sa kama.

Masyadong tahimik ang bahay namin at paniguradong pinapamahayan na ito ng mga multo ngayon.

Umalis na kasi si kuya para magtrabaho tapos si Tita Malou naman naggo-grocery. Wala din kaming practice kasi di na daw tuloy ang performance na gagawin namin basta parang may problemang nangyari at ayaw ko nang magtanong kasi baka pagkamalan akong feeling close or tsimosa.

Wala din pala yung babaero nilang kaibigan.

Speaking of that babaero kumusta na kaya yun at nasaan kaya siya? Kasi kung friends silang apat bakit palagi siyang nawawala o wala? May tampuhan kaya ang mga yun? Kawawa naman siya kung siya lang ang di belong? Hayst tama na nga ang pag-iisip ko sa babaerong yun nakakasira ng araw.

New thinking pakeme naman!

Kumusta naman kaya ang mga kaibigan ko?

Ano kayang ginagawa nila ngayon?

Pwede ko kayang puntahan ang mga bahay nila?

Ang tanong papayagan kaya ako ni Kuya ngayon?

Pero wala naman siya kaya di niya malalaman. Maliban nalang kung malaman ni Tita na wala ako paniguradong magsusumbong yun.

Kaya ang plano ko hihintayin ko siyang dumating at kunware magpapaalam akong matutulog ako at ayaw ko ng istorbo. Alam ko namang hindi niya ako tatawagin kasi alam niyang ugali ko yun. Tapos tatalon na ko sa terrace ...... Joke lang may secret passage ako dyan.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko biglang tumawag si Tita Madi.

[Musta po Tita? Miss you po], masiglang bati ko.

'Salamat naman at may makakausap na din ako para na kong mababaliw kanina.', sabi ko sa sarili ko.

[Miss you din. Ohhh kumusta ka naman dyan?], tanong nito sakin.

[Hayy nako Tita, mabuti nalang po at tumawag kayo dahil kung hindi baka mabalitaan mo nalang na nasa mental na ko.], sagot ko.

[Wag na wag kang magpapahuli sa mga yun dahil mas lala ka dun.], seryosong sabi ni Tita kahit nakikipagbiruan lang naman ako.

[Huh, bakit naman po?], gulat na tanong ko.

[Kasi baka kulangin ka pa sa mga pagkain dun mas mabaliw ka HAHAHA], tawang-tawang sagot niya sakin.

Close na close talaga ko kay tita kung di lang ako nahihiyang tawagin siyang mommy, dati ko pa siya tinawag na ganun. Sa kanya lang din nakikinig si kuya lalo na kapag si tita mismo ang nagpaalam na pupunta ako sa bahay nila walang anu-ano payag na kaagad siya. Si kuya pa nga mismo minsan ang nagtutulak sakin na pumunta dun kahit wala naman akong balak.

[Siya nga pala, naalala mo pa bang birthday ni Tita Malou mo? Isu-surprise pala natin siya sabi ng kuya mo. Nakalimutan ka daw niyang sabihan tungkol sa paghahanda. Kaya nandito ako para ipaalala sayo.], sabi ni Tita Madi sakin kaya napahilamos ako sa mukha ko dahil nakalimutan ko ang special day ni Tita Malou.

[HEHEHE , Naaalala ko po Tita kaya nga po nagbabalot na ko ng regalo para sa kanya.], pagsisinungaling ko at napakagat pa sa ibabang labi.

' You're not good at lying, Marjorie.',sabi ko sa sarili ko.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon