A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.Plagiarism is a crime always remember that.
Grammatical errors ahead!
May ibang sense na sensitive
Jewel's POV
" JEWEL! TAHAN NA! ", tarantang patahan sakin ni Mommy Milla. Si Top naman ay mabilis na kumuha ng tubig para ipainom sakin.
" Kase naman ehh! Di ko na alam takbo ng utak niyo ngayon simula noong nangyari ang mga bagay na yun ehh!", sabi ko sa kanilang dalawa nang may halong pagtatampo.
" Jewel, baka nagtampo lang yun kase di man lang natin nabati ng maayos...... kase di natin naalala ang birthday niya.", mahinahong sabi ulit ni Mommy Milla habang patuloy niyang hinahagod ang likod ko.
' Hindi lang naman si Korn beef ang tinutukoy ko ehh pati narin silang lahat.', sabi ko sa isip ko.
Gusto ko sanang makasama sila ng matagal pa kaso parang sa hindi malamang dahilan may pumipigil na samin o ako lang to dahil nga sa mga nangyari pero bakit parang nararamdaman ko lumawak ang pagitan naming lahat? Bakit pakiramdam ko hindi ko na sila kilala pa? Ano bang nanyayari sakin?!
" Hoy bakla kung hindi pinaalala sayo at kay Papa Jasper wala din talaga kayong magiging idea!", sabat ni Top na kasalukuyang umuupo sa kaliwang bahagi ng bed. Napagigitnaan na nila ako ngayon at mukhang mababasag ang ear drums ko kapag nagsigawan na sila kaya palihim kong tinakpan ang dalawa kong tenga.
" Hoy din! Pare-parehas lang tayo nauna ka lang na sabihan nina Kenshin.", pabalik na sagot nito.
" Wag na kayong mag-away ine-stress ninyo ang pasyente.", pangbungad ni Kenshin na kunot ang noo at kasama si Daddy Jas. Sabay namang napalingon sakin ang dalawang nagsisigawan at sabay na nagpeace sign bago umalis sa pagkakaupo sa kama.
" Bakit ka nga pala nandito kala ko pupunta si Margot sa bahay ninyo?", takang tanong ni Top.
" Nakita ko na siya sa baba ng parking lot sabi niya siya na ang bahalang magbigay kay Rhys ng regalo niya at ako naman ang magbibigay sa inyo nito.", mahinahong paliwanag nito at binigyan niya kami ng tig-iisang ticket para isang bagong kabubukas lang na amusement park last month.
" Love Rain Amusement Park?! Balak niyo bang ipamukha saming mga single na......SINGLE NA KAME 4EVER?!", hindi makapaniwalang tanong ni Top kay Kenshin. Yung isa naman napatakip nalang ng tenga niya.
" Ehh kase tingnan niyo si Milla may Papa Jas, si baklang Margot may Papa Hyun Woo, habang si Jewel single pero babae kaya paniguradong siya ang kukulitin ni birthday boy at heto ako single na walang pang love life kaya ang mangyayari nganga ang beauty ko!", paliwanag ni Top tungkol sa sitwasyon niya. Si Kenshin naman ay napatingin sakin bago mapahilot sa ulo niya at mapabuntong-hininga.
" Ehh hindi naman to date bday celebration to ni Rhys!", singit ni Mommy Milla.
Erk*
Dinig namin bumukas ang pinto kaya napalingon kami doon maliban syempre kay Kenshin.
BINABASA MO ANG
Sweet Jewel
Teen FictionNaranasan niyo na bang sukuan ang pangarap niyo na nagbibigay saya sa inyo kasi ako, Oo. Pagkanta lang ang nagpapasaya sakin at yun lang din ang dereksyong alam ko pero sa isang hindi inaasahang pangyayari natakot na akong kumantang muli. I'm scared...