Chapter 21

1 0 0
                                    

A/N
Ang pangalan ng mga characters, lugar at mga kaganapan sa storyang ito ay hindi ko sinasadya at nagmula lang sa aking imagination kaya walang personalan.

Plagiarism is a crime always remember that.

Grammatical errors ahead!

At isa pa kung ang isang reader ay nakaranas ng isang pangyayari sa buhay na malala o sensitive, pinapaalala ko na pong may mga chapter dito na sensitive. Pasensya na po.

Every problem can be solve kaya wag ninyong tatakasan dahil palagi nating kasunod ang problem.

* Continuation of flashback

Mabilis na lumipas ang oras pero wala parin si mommy nag aalala kami ni Kagami noong nagpalitan kami ng tingin.

" Nasaan na kaya si Mommy?", paiyak na nasabi ko.

" Dyan ka na muna pupunta lang ako sa nurse station baka nagkasalisi lang tayo.", mabilis niyang sabi sabay tapik saking balikat at agad nang umalis. Napabuntong- hininga nalang ako noong nakalayo na siya.

" Napakabaliw ko bakit ba kasi kailangan isisi ko pa sa mga pagkain na kinakain ko ang dahilan ng pagtaba ko diba kasalanan ko naman ito dahil masyado akong matakaw.", pabulong kong sabi sa sarili.

' Tingnan mo nga yang sarili mo kasing bigat mo na ang mga sumo wrestler o baka naman tatay niya ay isang sumo wrestler! HAHAHA Pano naman kita magugustuhan sira ka rin ba?! ' naalala ko kung paano ako pagtawanan noong nakaraang araw.

'Nandyan na si ma'am ........ lagot kayo Sam!' sabi ng isa kong kaklaseng babae. Sino nga yun di ko naman siya masyadong kilala ehh.

" Hay naalala ko kung paano ako nabuhayan ng dugo noong pinagsabihan ni ma'am sina Sam tungkol sa pagaasar nila sakin. Iyak pa ko ng iyak noon kaso...", isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko.

" Mas masakit pa pala para sakin ang sinabi ni ma'am."

' This is your first warning boys, once na nalaman ko ulit ang tungkol sa pang aasar ninyo sa guidance office na tayo maguusap usap kasama ang mga magulang ninyo......and you, you are aware Jewel that you are over weight bakit ka naman umiiyak?'

" Bakit nga ba hindi ko din alam ehh?"

" Nakakahiyang sabihin na tumalon ako sa ilog na yun dahil lang nabasted ako ehh ano naman siya kala mo napakagwapo ehh sobrang panget naman ng pag uugali. Nakakahiyang tumalon ako dahil lang sa walang kwentang yun. Bahala siya makakahanap din siya ng katapat niya. Pero nasasaktan ba talaga ako dahil sa sinabi ni Sam sakin o dahil sa sinabi ni ma'am? Nagoover think lang ba ko?", sabi ko habang naglalakad ng pagalit.

Walang alam si Kagami tungkol sa confession na ginawa ko dahil masyado siya busy sa pagbabantay sa Mommy niya na nasa ospital din. May sakit yung cancer sa dugo at unti-unti na din siyang nanghihina. Ang pamilyang Satsuki ang naging amo ni mommy noong 3 years old ako hanggang 6 kaso nalugi ang kompanya nila noong nalulong sa sugal ang Daddy ni Kagami kaya naghirap sila. Sa kasamaang palad pa namatay ang daddy niya habang nililitis dahil sa pinagkaguluhan siya ng mga empleyadong nagreklamo dahil sa hindi tamang sahod na binibigay, bigla nalang siyang nawalan ng malay at nacoma ng ilang araw. Namatay nalang siya at nagkataon ding hindi siya nakakakain noong araw na nagcollapsed siya. Walang akong alam kung paanong hindi siya nakakain ehh sa mga palabas nga may mga libreng pagkain sila baka naman chossy lang si tito sa pagkain.

Kaya hito na si Kagami ngayon, siya na ang nagtatrabaho para sa mommy niya pero tinutulungan naman siya ng Mommy ko sa mga bills kasi napakabata pa niya. Wala namang mabigat na trabaho ang pwede sa kanya.

Sweet JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon