Pagkatapos ng nangyaring shoot-out sa St. Mary's University ay tila nawawalan ng buhay ang buong campus dahil sa desisyon ng mga tagapamahala na isarado muna ang pamantasan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-debriefing. Marami kasi ang na-trauma sa nangyaring shoot-out at isa na rito si Tamara Jacinto; ngunit hindi ito naging hadlang upang dumalo siya sa pagdiriwang ng birthday ni Shaye Tampon, ang cheer captain ng cheering squad ng university.
"Happy birthday, Shaye," pagbati ni Charina nang sabay-sabay silang dumating kasama sina Dianne, Jessica at Rain.
"Nasaan si Leah?" tanong ni Shaye na nag-alala dahil iilan lang sa mga inimbita niya ang dumating.
"Sorry, hindi raw siya makarating," malungkot na saad ni Charina, "ayaw daw siyang payagan ng kanyang mga magulang na umalis ng bahay."
"'Yan din ang sabi ni Joy," sabat ni Dianne, "natakot siguro ang mga magulang nila dahil sa nangyaring shoot-out kaya hindi sila pinayagang makapagparty ngayon."
Tahimik lang si Tamara dahil ang totoo, tumakas lang din siya sa kanilang bahay kasi alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang ama na mag-night-out kasama ang cheering squad. Sa katunayan, hindi pa siya ganap na miyembro ng grupo dahil hindi pa siya nakapagtanghal kasama nila. Ito ang dahilan kung bakit kahit alam niyang na-trauma siya sa nangyaring shoot-out, pinilit pa rin niyang makarating dito upang makisama sa mga miyembro ng cheerleading squad.
"Hayaan mo na, Shaye," saad ni Rain, "nandito naman kami."
"Yeah, anim lang tayo. Paano magiging masaya ang birthday ko nito?" inis na saad ni Shaye.
"Well? Hindi ibig sabihin na tayo lang, hindi na tayo magiging masaya," sinubukang pasayahin ni Jessica si Shaye, "we can play games."
"Like what game?" wala sa mood na saad ni Shaye habang nagkatinginan naman silang lahat.
Nais sanang magbigay ng suhestiyon si Tamara ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil hindi pa siya masyadong malapit sa mga miyembrong dumalo sa selebrasyon.
"Well, maraming gwapong nakapaligid. Why don't we have a race? Let's flirt and see who among us can get a date?" suhestiyon ni Rain.
"Not interested," Shaye rolled her eyes saka kinuha ang basong may laman na alak at tinungga ito.
"Oh come on, Shaye. Ang dami ngang gwapo dito, nakakalaglag panty," pangumbinsi ni Charina.
"How about we play truth or dare?" suhestiyon ni Dianne.
"Maingay, halos 'di ko nga kayo marinig," naiinis pa rin si Shaye.
"Why not we have dare alone?" hindi napigilan ni Tamara ang sumabat ngunit pinagsisihan niya ang ginawa niya nang sabay-sabay silang lahat na tumingin sa kanya.
Sa katunayan, matagal na niyang pinangarap na maging bahagi ng cheerleading squad. Tatlong taon din siyang pabalik-balik na mag-audition kaya ngayong nakapasok siya, she does not want to go wrong.
"I like that idea," saad ni Shaye kaya tila natanggalan ng tinik si Tamara.
"At dahil birthday mo," naging confident si Tamara na magbigay ng karagdagang suhestiyon, "ikaw dapat ang magbibigay ng dares para sa aming lahat."
"Tama si Tamara," pagsang-ayun ni Dianne.
"Get it on, cheer captain!" sumang-ayun din si Rain.
"Wait, paano kung hindi magawa ang dare? Ano ang magiging consequence nito?" tanong ni Jessica.
Lahat sila napatingin kay Tamara kaya agad na napaisip si Tamara saka sinabing, "Iinum siya ng isang bote ng beer, bottoms up!"
"Gusto ko 'yan!" napapalakpak sa tuwa si Shaye saka ini-isa-isang tingin ang kanyang mga kasama saka nagtanong, "sino sa inyo ang mauuna?"
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...