Chapter 40 - London Lovelorn

9.5K 267 146
                                    


Pumikit si Tamara saka nilanghap ang malamig na simoy ng hangin sa London. Dahil maraming koneksyon ang pamilya ni Evo sa embassy, mabilis siyang nakakuha ng visa at agad din silang bumiyahe papuntang London.

"Tamara, I'll be on a business meeting," saad ni Evo habang inaayos niya ang kanyang necktie, "baka matagalan ako sa pag-uwi kaya huwag mo na akong hintayin. Kung gusto mong gumala, tawagan mo lang si Chad. Malapit lang ang condo niya dito."

Tango lang ang isinagot ni Tamara saka muling ibinaling ang tingin sa labas ng veranda kung saan makikita niya ang kabuohan ng London. Para siyang batang manghang-mangha sa nakikita kaya hindi napigilan ni Evo ang mapangiti, ngunit agad na sumeryoso ang mukha niya nang biglang lumingon sa kanya si Tamara.

"Bukas ka na pala magsisimula sa kompanya. I don't want us to be seen together kaya dadaanan ka ni Chad dito. Sabay na kayong pumunta sa opisina," saad ni Evo.

"Hindi kaya kami mapagkamalang magnobyo ni Chad nito?" tanong ni Tamara.

"Chad is currently dating someone from the marketing department. She's a good catch so I doubt that people would ever think he'd replace her with you. And don't think of yourself so highly, maraming nagkakandarapa kay Chad dito, baka mas mapagkamalan ka pang alalay niya," pangungutya ni Evo.

"Wow ha! Mag-ingat ka sa pananalita mo, Mr. Evo McTavish, baka nakalimutan mo, you are talking to your Mrs. McTavish," paalala ni Tamara.

"Baka ikaw ang nakalimot, temporary Mrs. McTavish," si Evo naman ang napapaalala kay Tamara.

Tumaas ang kilay ni Tamara saka sinabing, "Huwag kang magsalita ng tapos, Evo. Tandaan mo, mahaba-haba rin ang tatlong taon. Baka pagkatapos ng tatlong taon, ikaw pa 'yung magmamakaawang manatili ako sa buhay mo," saad ni Tamara sabay turo sa mukha niya.

Mahinang tumawa si Evo bago nagsalita, "Keep on daydreaming, Tamara. Gigising ka rin."

Napasimangot si Tamara saka ipinatong ang baba sa kanyang kamay na nakapatong din sa railings ng veranda, 'Maging hambog ka ngayon, Evo. Dahil hindi magtatagal, ikaw ang gigising sa katotohanan.'

Narinig ni Tamara ang pagbukas at pagsarado ng pinto kaya padabog siyang lumingon sa pinto saka nanggigil na sinabing, "Nakakainis ka Evo!"

Agad namang tumunog ang kanyang cellphone kaya binasa niya ang mensaheng galing kay Evo, "You have the whole three years to hate me, future ex-wife."

Mahinang napahiyaw na lamang si Tamara sa sobrang inis na nararamdaman.

"No, I won't give him the satisfaction to annoy me. Mag-eenjoy ako habang nandito ako sa London. Hindi ko siya kailangan para maging masaya dito," saad ni Tamara sa sarili.

Pumasok siya sa kanyang silid saka pumili ng damit na susuotin. Pagkatapos niyang mag-ayos ay saka niya tinawagan si Chad, "Chad, gusto ko sanang gumala kaso hindi ko pa kabisado ang London. Pwede mo ba akong samahan?"

"Kakarating mo lang ng London saka sa makalawa ka pa naman magsisimulang magtrabaho, 'di ba? Magpahinga ka na lang muna. Bukas, ililibot kita sa London," sagot ni Chad.

"Pero na-bobored ako dito. Hindi ako sanay tumambay sa bahay lang," pangungulit ni Tamara.

"Tam, may lakad pa kasi ako," sagot ni Chad.

"Isama mo na lang ako sa lakad mo," muling pangungulit ni Tamara.

"Hindi pwede!" agad na sagot ni Chad.

"Date ba 'yan?" may halong pangangantiyaw na saad ni Tamara saka siya nagpatuloy, "iwan mo na lang ako sa park o kaya sa mall. Balikan mo na lang ako pagkatapos ng date mo."

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon