Chapter 43: Schemes and Suspicion

3.9K 152 50
                                    



Habang abalang-abala si Tamara sa kanyang itinakdang gawain, dumating ang kanyang mga kasamahan mula sa tanghalian. Bagamat may naramdaman siyang kirot ng lungkot, itinago niya ito sa ilalim ng kanyang determinasyong papatunayan niya sa lahat na karapat dapat siyang tanggapin at irespeto bilang katrabaho. Naabala ang katahimikan ng opisina nang tumanggap si Cheezee ng tawag mula sa punong opisina.

Napansin ng mga empleyado ang pagsidhi ng mukha ni Cheezee habang nakikinig sa kausap sa telepono. Dahil dito, naging mausisa ang lahat at tahimik na nakinig habang nagsalita si Cheezee, "We are asked to joing the board meeting this afternoon. They want us to present our new marketing proposal."

- "Sounds manageable," kibit-balikat na sagot ni Blaire.

Naningkit ang mga mata ni Cheezee at tiningnan si Tamara. "The CEO specifically requested that Tamara be part of the team."

Agad na nabigla ang lahat at namuo ang pagduda habang tumingin sila kay Tamara.

- "Really?" tanong ni Andrea ngunit hindi sumagot si Cheezee, sa halip, pumasok siya sa kanyang opisina.

Sumunod sina Blaire at Andrea, at saka nagtanong si Andrea habang itinaas ang kanyang kilay. "Why her?"

"Maybe because Chad is close to the CEO," spekulya ni Cheezee na halatang may halong galit ang tono. "He probably used his influence. It's not like he ever did that for me."

Nagpalitan ng tingin sina Balire at Andrea dahil malinaw ang implikasyon. Mukhang ang baguhang si Tamara ay binibigyan ng espesyal na pagtrato dahil kay Chad, isang bagay na kailanman ay hindi nila napansing nagawa ni Chad para kay Cheezee. Dahil dito, mas lalong lumalim ang kanilang naramdamang galit at pagkamuhi kina Tamara at Chad.

_________________

Lingid sa kaalaman ng lahat, may sariling dahilan si Evo kung bakit hiningi niya ang presensya ni Tamara sa gaganaping miting. Gusto niyang makita kung paano hina-handle ni Tamara ang kanyang unang araw at dahil na rin sa ipinakitang malasakit ni Chad sa kanyang asawa.

"Ano ba't inilagay mo sa pinakamababang posisyon si Tamara, at hindi mo pa siya ipinakilala bilang iyong asawa?" halata ang pagkadismaya niya sa kanyang boses.

Nanatiling malamig at matigas ang ekspresyon ni Evo habang sinabing, "Pansamantalang asawa ko lamang si Tamara dahil kapag natupad na niya ang aming kasunduan, aalis din siya. Mas mabuting walang nakakaalam tungkol sa pagiging mag-asawa namin para maiwang mapansin siya ng midya."

Hindi naman naiwasan ni Chad na makaramdam ng galit dahil sa ginawa ni Evo. "Babae pa rin si Tamara. Hindi mo siya dapat tratuhin na parang isang piyesa lang ng laro mo."

"I'm protecting her," mariing sinabi ni Evo saka nagpatuloy, "Kung malalaman ng mga tao dito sa London ang tungkol sa pagkatao ng asawa ko, tiyak na gugulohin nila ang katahimikan ni Tamara."

Humakbang papalapit si Chad saka nagsalita, "Sa tingin ko, ang tunay na pakay mo ay ang parusahan si Tamara."

Hindi nagpakita ng kahit anong reaksyon si Evo habang sinabing, "That too."

Hindi makapaniwalang umiling si Chad. "Hindi ba sobra na ang parusa sa kanya? At saka, hindi siya dapat ang magbayad sa kasalanan ng kanyang ama."

Tiim-bagang napakuyom si Evo habang pumipilantik ang kanyang mga mata dulot ng sakit dahil naalala na naman niya ang ginawa ni Tamara, "Don't forget that before I learned about her father's corruption, she was first the reason why Shawn jilted me on our wedding day. Nang dahil lang sa kagustohan niyang mapasali sa cheering team ng kanilang unibersidad, ginawa niya ang kalokohang dahilan kung bakit hindi ko natamo ang buhay na inaasam ko kasama si Shawn. Dapat si Shawn ang asawa ko ngayon. Dapat siya ang inuuwian ko gabi-gabi. Dapat si Shaw ang ina ng mga anak ko!"

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon