"Anong 'you're in your room?' Huwag mong sabihing," napahinto si Tamara sa paglapit kay Evo nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Evo. Agad siyang nataranta saka sinabing, "hindi ito pwede! Lumipat ka sa ibang kwarto."
"I can't, occupied na lahat," sagot ni Evo.
"Nababaliw ka ba? Ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak mo?" saad ni Tamara.
"Bakit, ano ba dapat ang iisipin nila?" pilyong tanong ni Evo.
"Siyempre, lalaki ka at babae ako tapos nasa iisang silid," saad ni Tamara.
"What's wrong with that?" tanong ni Evo.
"What's wrong is hindi tayo kasal kaya hindi tayo pwedeng magkasama sa iisang kwarto. Baka isipin pa nila na may nangyari na sa atin," paliwanag ni Tamara.
"Well," nagkibit-balikat si Evo saka nagpatuloy, "since you are my girlfriend, they kind'a expected that we already had sex."
"Ano? Hindi pwede 'yan! Nakakahiya," reklamo ni Tamara.
"Come on, Tamara. Nobody really cared," saad ni Evo saka nagtanggal ng sapatos.
"Anong nobody cared? Hindi mo ba nakikita ang mga tingin nila sa akin kanina?" lumapit si Tamara kay Evo.
"Relax. Sex is just a normal thing for the people around here," saad ni Evo habang tinatanggal ang suot.
"May usapan tayo!" napaatras si Tamara saka niyakap ang sarili.
"Magshoshower lang ako," natatawang sabi ni Evo saka dinagdag na, "like I said, I won't force myself to you."
"Eh saan ka matutulog?" pasigaw na tanong ni Tamara dahil papasok na nang banyo si Evo.
"Sa kama," simpleng sagot ni Evo na hindi siya nilingon.
"Ano? Hindi pwedeng magkatabi tayo sa iisang kama," tumutol ulit si Tamara.
"Tamara," bumuntong hininga muna si Evo saka hinarap si Tamara, "masyadong malaki ang kama kaya huwag kang mag-alala. Like I said, I won't do anything without your permission."
Napakagat ng labi si Tamara habang isinara ni Evo ang pinto ng banyo. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon pero wala na rin siyang magawa. Pinasok niya ang kasunduan nila ni Evo kaya dapat tapusin niya ito.
________________________
Binuksan ni Evo ang shower at hinayaan ang tubig na dumaloy sa kanyang katawan. Seeing Tamara in a bathrobe made him imagine wild things with her.
'I am going to claim your payment, Tamara. You will have to pay for ruining my future with Shawn,' sa isip ni Evo habang pinapalamig ang nag-iinit niyang katawan.
Pero tulad nang sinabi niya, hindi niya ipipilit ang kanyang sarili kay Tamara. He will make sure that Tamara will beg him to take her. Hindi si Tamara ang unang babaeng tatanggi sa kanya. He met dozens, pero lahat sila ay natalo sa huli. They all begged for him and he satisfied them all – very satisfied that they can't get over the moment Evo stopped seeing them.
'I will make you want for more and when I get enough of you, ipaparamdam ko sa'yo ang sakit at pait na naramdaman ko noong iniwan ako ni Shawn dahil sa kagagawan mo,' napakuyom ang mga kamay ni Evo sa kanyang naisip.
Hindi totoong wala nang bakanteng silid. Sinadya talaga ni Evo na sa iisang silid lang sila ni Tamara. He wanted her to get used to his presence. Hindi niya inexpect na makukuha niya kaagad ang binalak niyang kunin kay Tamara. He simply enjoyed teasing her and he kind'a liked the chase dahil ika nga nila, mas masarap kapag pinagtyagaan. Ito ang dahilan kung bakit cold shower ang ginawa niya. Ayaw niyang siya mismo ang hihingi kay Tamara. He wants Tamara to throw herself to him.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomansaWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...