Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!

5.4K 242 37
                                    

Maghahating-gabi na nang marating ni Evo ang kanyang mansyon, hindi dahil sa iniiwasan niya si Tamara kundi dahil sa kanyang trabaho. Ayaw niya kasing magtambak ang kanyang trabaho pagkabalik niya galing sa magiging honeymoon nila ni Tamara.

"Good evening, Mr. McTavish," binati siya ng butler ng mansyon.

Tango lang ang isinagot ni Evo saka tuloy-tuloy na pumasok sa mansyon. Agad namang sumunod ang butler saka sinabing, "nakahanda na po ang iyong hapunan sa dining area."

Napahinto sa paglakad si Evo saka kunot noong hinarap ang butler, "kailan ba ako nagpahanda ng hapunan sa'yo?"

Agad na tumungo ang butler saka sinabing, "hindi po kami ang naghanda, Mr. McTavish. Si Miss Tamara po ang nagluto."

Bumuntong hinga si Evo saka sinabing, "hindi ako kakain."

Naiinis si Evo dahil balak niya talagang pahirapan si Tamara ngunit kusang kumikilos si Tamara kaya naisip niya na ang pagsalungat sa lahat na gagawin ni Tamara ang magiging isa sa mga paraan niya sa pagpapahirap sa dalaga.

"P-pero, naghihintay po si Miss Tamara sa hapagkainan," saad ng butler.

"Sabihin mo sa kanya na pagod ako, saka kumain na ako sa opisina," sagot ni Evo na patuloy na naglakad papasok ni mansyon.

Paakyat na sana siya sa hagdanan nang naisipan niyang mas mainam na puntahan niya si Tamara upang mas lalo itong inisin. Dahil dito, lumiko siya patungong dining area. Ilang sandal lang ay narating na niya ang dining area ngunit isang natutulog na Tamara ang nadatnan niya sa hapagkainan.

Nakita niya na maraming hinanda ang dalaga at marahil dahil dito ay napagod ito.

"Gigisingin ko po siya," agad na saad ng butler nang makita ang sitwasyon ngunit agad siyang pinigilan ni Evo saka sinabing, "saka mo siya gisingin kapag nakapasok na ako sa aking silid. At sabihin mo sa kanya na sa susunod, huwag na niya akong hintayin dahil sa opisina ako madalas kumakain."

Totoo ang sinabi ni Evo. Hindi siya sanay kumain sa mansyon dahil pinapaalala lang nito ang malungkot niyang pamumuhay. Mula noong naghiwalay ang mga magulang ni Evo, palagi na siyang walang kasama kapag kumakain sa hapagkainan.

Tumango lamang ang butler saka hinayang dumaan si Evo sa kanyang harapan. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinungo na rin nito si Tamara.

"Miss Tamara," saad ng butler habang mahinang niyogyog ang dalaga.

"H-huh?" agad na napaupo ng tuwid si Tamara saka sinabing, "n-nakatulog ako. Pasensya na po. Dumating na ba si Evo?"

"Oo, dumating siya pero nakapasok na siya sa kanyang silid," sagot ng butler.

"H-huh? Hindi mo ba sinabi sa kanya na ipinaghanda ko siya ng makakain?" natatarantang saad ni Tamara.

"Sinabi ko pero kumain na daw siya sa kanyang opisina," sabi ng butler.

Inis na bumuntong hininga si Tamara kaya agad na nagpaliwanag ang butler, "pasensya na Miss Tamara, hindi lang nasanay si Mr. McTavish na may asawa siyang naghihintay sa mansyon."

"Hindi naman niya talaga ako tinuring na asawa," nakasimangot na reklamo ni Tamara.

"Naninibago lang si Mr. McTavish. Pero huwag kang mag-alala, mababago rin siya," paliwanag ng butler.

"Sana nga," buntong hiningang saad ni Tamara saka tumayo, "iinitin ko na lang ang mga ito para bukas ng agahan."

"Kami na ang magligpit dito, Miss Tamara," agad na saad ng butler nang mapagtantong sisimulan na sana ni Tamara ang pagligpit ng mga hinandang pagkain sa hapagkainan.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon