Antok na napahikab si Evo habang sumandal sa kanyang swivel chair. He has never courted a woman before, at kahit kailan hindi niya kailangang mag-effort para lang makuha ang atensyon ng isang babae. Pero ang sabi ni Tamara, kailangan niyang gumawa ng grand gesture para mas maging epektibo ang pagpapanggap nila.
Nagpasya siyang hindi na lang magtanong kay Chad dahil noong huling humingi siya ng payo sa personal assistant niya, hindi naging tama ang ginawa niya.
Dahil sabi ni Tamara, K-dramas have the formula of a perfect rich man-poor woman love story, minabuti niyang manood ng mga K-drama. But all he sees are arrogant leading men bullying their poor leading ladies.
"Ba't naging romantic 'yun?" tanong ni Evo sa sarili, "Aist! Nag-aaksaya lang ako ng panahon. I'll just do what she said yesterday," saad niya saka tumayo.
Tulad nang nangyari kahapon, sumakay siya sa elevator pababa sa palapag kung saan nag-oopisina si Tamara. Just like yesterday, everyone is stunned to see him. Agad niyang nakita si Tamara na may ginagawa sa harap ng computer.
Natahimik ang lahat habang hinihintay kung ano ang gagawin ni Evo, pero walang pakialam si Evo sa mga matang nag-aabang sa kanya.
"Hi," ma-awtoridad na pagbati ni Evo kay Tamara.
Tumingala si Tamara sa kanya at awkward na sumagot, "H-hi?"
"Kumusta?" malimit na tanong ni Evo.
"O-okay lang. Medyo maraming ginagawa pero nakakayanan naman," sinubukan ni Tamara na maging komportable ang kanilang pag-uusap.
Tumango lang si Evo saka tumingin kay Miss Edmilao na para bang nagsasabing, "come to my office," at pagkatapos ay umalis na hindi nagpaalam.
"Ano 'yun?" tanong ni Jessa na nagtataka kung bakit biglang nagpunta sa kanilang opisina ang CEO ng kumpanya para mangumusta at pagkatapos ay umalis lang bigla.
"Ang tanong, bakit ka kinumusta?" nakahalukipkip na sabat ni Shane saka dinagdag na, "may nagawa ka na naman bang mali para kamustahin ka ng boss natin?"
Tulad nang nangyari kahapon, mag-isa na namang sumakay si Evo sa elevator habang hinintay ni Miss Edmilao na bumakas ang kabilang elevator upang makasunod siya agad.
________________________
"S-sir, tinatapos ko pa ang guidelines para sa mga trainees," agad na saad ni Miss Edmilao na inakalang 'yan ang dahilan kung bakit siya pinatawag ni Evo.
"Bawasan mo ang trabaho ni Tamara," walang pakundangang saad ni Evo.
"S-sir?" napatanong si Miss Edmilao na halatang nagtataka kung bakit ito ang inutos ng amo.
"I am not good at this, pero gusto kong malaman mo na pinupormahan ko si Tamara. So I want you to give her a special treatment," saad ni Evo.
Sandaling napanganga si Miss Edmilao dahil hindi niya inasahan ang nasambit ni Evo. Nang makabawi, agad itong nagsalita, "kung gusto mong ligawan si Tamara, sa tingin ko hindi sagot ang pagbibigay ng special treatment sa kanya."
"What do you suggest then?" tanong ni Evo.
"Dapat may suspense," excited na saad ni Miss Edmilao saka nagpatuloy, "'yung tipong hindi siya makatulog sa kakaisip."
"What do you mean?" bumangon si Evo mula sa pagkahilig sa swivel chair saka pinagsaklop ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Magpadala ka ng bulaklak na may sweet notes tapos huwag mong ilagay na galing sa'yo," suhestiyon ni Miss Edmilao.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...