Hindi namalayan nina Evo at Tamara ang paglipas ng oras dahil natutuwa silang kumakalahok sa iba't ibang outdoor games. Natuwa naman ang mommy at lola ni Evo dahil matagal na noong huling sumasali si Evo sa mga ganitong palaro. Dating magiliw at palakaibigan si Evo pero nagbago ang lahat nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.
"Congratulations sa inyo!" pagbati ni Eva kay Tamara at Evo, "kayo ang may pinakamaraming panalo. Daig niyo pa ang mga teenagers."
"Paano kasi, napaka-competitive nitong si Tamara," saad ni Evo habang giniya si Tamara sa silyang uupuan nito.
Napansin ni Tamara na sila lang ni Evo ang inimbitahang makasama ng lola't mommy ni Evo sa pananghalian.
"Nagtaka ka kung bakit kayo lang ang nandito?" hulang saad ni Eva.
Tango lang ang isinagot ni Tamara kaya agad na nagpaliwanag si Eva, "Natuwa kasi si Mama sa inyo, saka gusto ka rin niyang makilala ka ng lubusan."
"Nagagalak din akong makilala kayo, Misis –" –" saad ni Tamara pero hindi niya maalala ang maiden name ni Eva.
"Concepcion," sambit ni Eva.
"Abuela na lang ang itawag mo sa akin," nakangiting saad ng matanda, "darating din naman ang panahon na magiging parte ka ng pamilyang ito."
"Sige po, Abuela," nahihiyang ngumiti si Tamara sa matanda.
"Natutuwa ako dahil nakikita kong masaya ka, Nieto," ibinaling ng matanda ang pansin nito kay Evo.
"Nieto?" mahinang napatanong si Tamara pero narinig ito ni Eva kaya ito na ang nagpaliwanag.
"Nieto ang Spanish term for grandson," paliwanag ni Eva.
"Aah," tumango si Tamara na para bang inaalala lahat ng nalaman.
"Pasensya ka na kung may halong Espanyol ang pag-uusap namin. Nasanay kasi si Mama dahil nag-Eespanyol sila dati ng yumao kong ama. Pareho kasi silang half-Spanish," paliwanag ni Eva.
"Okay lang po," sagot ni Tamara saka napahanga sa angkan ng pamilya ni Evo.
Evo's mix-breed is the reason why he looked so handsome. Halata ang pagiging tisoy nito kaya hindi na siya nagtaka kung bakit nababaliw kay Evo ang mga babae. Nagtataka nga lang siya dahil sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya, bakit nakatuon ang pansin ni Evo kay Shawn.
"Hija, tikman mo 'tong kare-kare. Ito ang paborito naming specialty dito," saad ni Eva habang nagsalin ng kare-kare sa mangkok.
"Ay, okay lang po. 'Di ba may peanut ang kare-kare? Allergic kasi ako sa peanuts," saad ni Tamara.
"Allergic ka sa peanuts?" nagulat na saad ni Eva saka ibinaling kay Evo ang tingin at sinabing, "ba't 'di mo sinabi na may allergy si Tamara? Sinend ko sa'yo ang menu kanina, you should have told me na huwag na lang mag-order ng kare-kare."
"I-I am sorry," sagot ni Evo saka tumingin kay Tamara sabay sabing, "I did not know."
"Nieto, ang mga bagay na 'yan ang dapat mong unang alamin," sabat ng lola ni Evo, "delikado ang allergies."
"A-actually, hindi ko nasabi kasi hindi naman kami umo-order ng pagkaing may peanuts," paliwanag ni Tamara.
"Kahit na," si Eva naman ang sumabat, "Allergies is a very serious medical condition. Huwag ka munang kumain dahil ipapa-check ko muna sa chef na hindi contaminated ng peanuts ang kahit anong pagkaing inorder natin. Peanuts lang ba ang allergies mo?"
Tumango si Tamara saka sinabing, "may dala rin naman akong gamot para kung sakaling magkamali akong kumain ng may peanut."
"I will make sure of that," saad ni Eva, "ipapareview ko ang mga menu for tonight's dinner at sa mga meals natin bukas. I will make sure that there will be no peanuts."
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...