Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced

5.4K 217 34
                                    


"Welcome to the family, hija," masayang lumapit si Ellena sa bagong kasal saka niyakap si Tamara.

"I am so happy for you, son," saad naman ni William kay Evo.

Sunod-sunod namang bumati sina Eva, Darius at Trina kina Tamara at Evo. Masaya ang lahat habang tinungo ang reception area na nasa garden din nakaset-up. Hindi naman maipagkakailang natuwa sina Darius at Tina magarbong kasal na pinahanda ni Evo na kahit iilan lang sila at masyadong pribado ang kasal ay hindi tinipid ni Evo mula sa palamuti papuntang pagkain.

Sinadyang pinaghandaan ni Evo ang kasal dahil ayaw niyang pagdudahan ng kanyang lola't mga magulang ang motibo niya sa pagpapakasal. He wants them to think that he is truly over Shawn and that he is marrying Tamara out of love.

"I would like to make a toast for my son," bungad ni Eva habang kumakain pa ang lahat, "and for my lovely daughter-in-law. I wish that you keep on finding happiness with each other."

Mapait na napangiti si Tamara sa kanyang narinig ngunit buo na ang kanyang desisyon. She will do everything to make Evo love her. Hindi man niya alam kung paano gagawin ito, desidido naman siyang pag-aralan ang iba't ibang paraan upang mapaibig ang isang Evo McTavish; kahit pa kung ang ibig sabihin nito ay gagawin niya ang lahat na ginagawa ni Shawn upang mabaling sa kanya ang dating nararamdaman ni Evo.

Napabalik sa wisyo si Tamara nang may inanunsyo si Eva sa lahat.

"Bilang regalo ko sa bagong kasal, ako na ang nagbayad ng lahat na gastusin para sa magiging honeymoon nila sa Bali, Indonesia," masayang saad ni Eva.

Bumilog ang mga mata ni Tamara dahil hindi niya inasahan ang regalo ni Eva. Ang totoo, matagal nan iyang pangarap na makapaglibot sa Bali, Indonesia, kaya hindi niya inasahang magkakatotoo ang pangarap niyang ito. Halatang excited na napangiti si Tamara ngunit agad niyang itinago ang saya nang makita niya ang seryosong mukha ni Evo.

Tahimik lang si Evo pero ito ang nakakatakot dahil ibig sabihin nito ay nag-iisip ito ng mga gagawin upang pahirapan siya. Agad siyang nakaramdam ng takot kaya nilingon niya ang kanyang mga magulang. Umaasa siyang magdadahilan ang mga ito upang ipagpaliban muna ang honeymoon ngunit nabigo siya dahil halatang na-eexcite ang mga ito para sa kanya.

"Ito naman ang regalo ko para sa inyo," sabat ni Ellena habang sumenyas kay Chad na ilapit ang kanyang regalo.

Lumapit si Chad at inilabas ang isang mamahaling alak saka inilagay ito sa harap nina Tamara at Evo.

"Sabi nila, the older the wine gets, the better it tastes. Kaya ito ang dinala kong regalo dahil gusto kong ipaalala sa inyo na ingatan niyo ang inyong relasyon at sana maging katulad kayo ng alak na dala ko; na habang tumatagal, lalong tatamis ang inyong pagsasama," paliwanag ni Ellena.

"Thank you, abuela," saad ni Tamara saka sinabing, "pwede bang matikman 'to?"

"Go ahead, hija," saad ni Ellena saka ibinaling ang tingin kay Evo, "why don't you help Tamara out?"

Nakangiting tumingin si Tamara kay Evo na siya namang napakunot ang noong tumingin rin sa kanya. Ningitian lang ni Tamara si Evo kaya walang ibang nagawa si Evo kundi ang tahimik na buksan ang alak saka nagsalin ng kaunti sa kopeta bago ito ibinigay kay Tamara. Agad namang tinungga ni Tamara ang laman ng kopeta kaya natatawang nagsalita si Ellena, "Dahan-dahan lang hija, baka malasing ka. Ngayon pa naman ang unang gabi niyo."

Lingid sa kaalaman nila, ito talaga ang balak ni Tamara. Alam niyang pagkauwi ng kanilang panauhin ay sisingilin siya ni Evo. Alam niyang ngayong gabi niya kailangang isuko ang sarili kay Evo bilang kabayaran sa perwisyong idinulot niya at ng kanyang ama kay Evo. Naisip niya magiging manhid siya sa sakit na maaaring maramdaman niya kapag malalasing siya.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon