Mag-isang kumakain si Tamara sa isang table sa cafeteria nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya ito at nakitang si Evo ang tumawag.
"Nasa cafeteria na ako," saad ni Evo nang tanggapin niya ang tawag kaya agad na tumingin si Tamara sa entrance ng cafeteria.
"Umorder ka na," saad ni Tamara.
"How?" tanong ni Evo.
"Anong how?" kunot noong tanong ni Tamara.
"I've never been in a cafeteria before," sagot ni Evo.
"Kahit noong nag-aaral ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Tamara.
"I am home schooled from kinder to high school. Sa college naman, I eat lunch at nearby restaurants rather than going to the cafeteria," sagot ni Evo.
Napasapo si Tamara sa kanyang noo dahil nakalimutan niyang bilyonaryo nga pala ang kausap niya.
Huminga muna ng malallim si Tamara saka mahinahong ipinaliwanag kay Evo kung paano ito makakapag-order ng makakain sa cafeteria, "Pagkapasok mo sa cafeteria, sa left side ay may makikita kang trays. Kumuha ka ng isa saka pumila."
"Pipila ako?" halatang nagulat si Evo.
"Oo. Pipila ka para makapag-order ka," saad ni Tamara.
"I've never waited in line before," reklamo ni Evo.
"So now, you do," saad ni Tamara, "don't try to cut-in. Siguradong may mag-ooffer na paunahin ka, but don't accept it."
"I am the owner of this company; can you tell me why I cannot cut-in?" tanong ni Evo habang kumuha ng tray.
"Dahil nagpapa-impress ka sa akin," saad ni Tamara.
"Ako nagpapa-impress?" napahinto si Evo.
"Yes. Kasi 'di ba tinanggihan kita dahil galante ka. So you are going to try to blend in to my social status para makuha ang matamis kong oo," paliwanag ni Tamara.
"Is this really necessary?" kunot noong tanong ni Evo.
"Aren't your father happy about the idea that you are wooing a woman who does not dive into your bed immediately?" paalala ni Tamara.
"Wait," sambit ni Evo, "how do I order the food?"
Muling napabuntong hininga si Tamara saka nagsalita, "Simple lang. Pagdating mo sa mismong counter, pumili ka ng pagkaing nagustohan mo at sabihin sa server ng cafeteria. After that, dumirecho ka sa cashier para magbayad," saad ni Tamara.
"Ako ang magdadala ng pagkain ko papuntang cashier at saka papunta sa'yo?" tanong ni Evo.
"Yes dahil self-service tayo dito sa cafeteria," saad ni Tamara.
"Do they accept mastercard o visa card?" tanong ni Evo.
"Hell no! Cafeteria 'to Evo. Cash ang pambayad dito," saad ni Tamara.
"I-I don't have cash with me," saad ni Evo.
"Bumale ka na lang o kaya tawagan mo si Chad," suhestiyon ni Tamara.
Nagtitimping tinapos ni Evo ang tawag niya kay Tamara upang tawagan si Chad. He had never done this before pero hindi niya alam kung bakit sumang-ayon na lang siya kay Tamara. All that matter is that Tamara's plans are working.
"Mr. McTavish?" sagot ni Chad sa kanyang tawag.
"Nasa cafeteria ako. Wala akong pambayad sa o-orderin kong pagkain," saad ni Evo.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...