Chapter 5 - First Day

6.5K 267 10
                                    



Abala si Evo sa mga ginagawang paperworks nang pumasok si Chad sa kanyang opisina.

"Na-confirm ko na ang reservation mo sa restaurant," saad ni Chad kay Evo.

"Handa na ba ang kontrata?" tanong ni Evo.

"Nahanda ko na," inilapag ni Chad ang brown folder na may nakalakip na mga papeles sa loob.

Kahapon pa sana dapat pinapapirma kay Tamara ang kontrata pero may mga pinapadagdag si Evo kaya hindi ito natuloy.

"I will make her sign it during our lunch today," saad ni Evo saka nagpatuloy, "kailangan kong linawin sa kanya ang mga dinagdag ko."

Tumingin si Evo sa kanyang relos saka naalala si Tamara. Ito ang magiging unang lunch date nila ni Tamara, paniguradong may mga taga-media na makakapansin sa kanila.

"Take Tamara to the stylist," utos ni Evo, "I want her to glam up for the date."

"Masusunod," tanging saad ni Chad kay Evo.

Pinirmahan ni Evo ang huling dokyumentong nabasa saka humilig sa kanyang swivel chair at tumingin sa litrato ni Shawn.

"Where are you, Shawn?" tanong niya sa kanyang isip.

He missed Shawn so badly. Ito ang dahilan kung bakit kung sinu-sinong babae na lang na makikilala niya sa bar ng kanyang pinsan ang nakaka-one night stand niya. But none of these women relieved him from the sadness he felt dahil sa pag-iwan ni Shawn sa kanya.

He checked his watch again. He still has an hour to wait for him to see Tamara pero ayaw niyang manatili sa kanyang opisina at maramdaman ang kanyang pangungulila kay Shawn. He thought Tamara will be his best diversion for now kaya tumayo siya upang puntahan ito. It may not be time for Tamara's lunchbreak but the hell! Siya ang may-ari ng kompanya. He can make her leave her work if he wanted to.

_______________________

Sumakay siya ng elevator pababa sa ikaapat na palapag ng gusali. It is the floor where the marketing department headed by Miss Edmilao is located, at ito ang departamentong kinabibilangan ni Tamara.

Agad na napaatras ang mga taong naghihintay na bumukas ang elevator nang bumungad sa kanila si Evo. Evo is aware about how his presence affected people at nasanay na siya. Nararamdaman niya ang takot at pagkabahala ng mga taong nasa paligid dahil sa presensya niya. Nahinto ang lahat sa kani-kanilang ginagawa habang umugong naman ang bulong-bulongan sa paligid, lahat nagtaka kung bakit nandito siya sa opisina nila.

"G-good morning, Mr. McTavish," sinalubong siya ni Miss Edmilao.

"Good morning," sagot ni Evo habang nilibot niya ng tingin ang buong palapag upang makita si Tamara.

"S-sir, may hinahanap po kayo?" muling nagtanong si Miss Edmilao.

"Where is Miss Jacinto?" walang paligoy-ligoy niyang tanong kay Miss Edmilao.

"S-si Miss Jacinto?" agad na tumingin si Miss Edmilao sa lugar kung saan huli niyang nakita si Tamara pero wala na ito dito kaya nilapitan niya ang empleyadong nakapuwesto malapit doon, "nasaan si Tamara?"

"Si Tamara? Naku umalis muna si Tamara," saad nang empleyado.

Tumingin si Miss Edmilao kay Evo na ngayon ay nakalapit na sa kanila saka siya muling nagtanong sa empleyado, "Saan nagpunta si Tamara?"

"Bumili po ng lunch," sumagot ang isa pang empleyado na tila hindi napansin ang presensya ni Evo.

Kumunot ang noo ni Evo sa narinig. He thought he was clear when he told Tamara that they will have lunch together. Bakit ito bumili ng lunch?

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon