Chapter 2: Wrong Turn

8.6K 321 9
                                    

Balisang nakatingin si Tamara sa counter ng elevator habang naghihintay na bumukas ito.

"Ba't ka nininerbyos?" tanong ni Reem, isa sa mga empleyado ng kompanya.

"Ngayon kami magprepresent ng project proposal," sagot niya na hindi nilingon ang kausap.

"Naku, ba't ka ninerbyos eh magaling ka naman sa mga ganyan. Alam kong kakayanin mo 'yan," saad ni Reem.

"Hindi ako natatakot magpresent, ang problema ko ay malapit na akong ma-late," sagot ni Tamara.

"Naku patay! Ayaw na ayaw pa naman ni Miss Edmilao na may ma-late sa mga presentations," komento ni Reem.

"Exactly! Siguradong masasabunutan ako ni Medusa nito," sambit ni Tamara.

Natawa si Reem sa tawag ni Tamara kay Miss Edmilao pero hindi niya maiwasang magtanong, "Bakit naman kasi sa lahat ng departamento dito sa kompanya, diyan ka pa nag-on-the-job-training sa departamento ni Medusa? Bakit hindi ka nagpa-assign sa departamento ng daddy mo?"

"Si daddy mismo ang ayaw na sa departamento niya ako ma-assign," sagot ni Tamara.

"Bakit naman?" tumingin sa kanya ang kausap.

"Kasi feeling niya, bibigyan lang ako ng special treatment ng mga tauhan niya," paliwanag niya.

"Sabagay pero kilala ang daddy mo dito sa kompanya, kahit saan ka ma-assign, magkakaroon ka pa rin ng special treatment," sagot ni Reem.

Bumukas na ang elevator kaya sumagot si Tamara habang sabay silang pumasok sa elevator, "Not with Medusa. Feeling ko nga, kahit anak ng may-ari ng kompanya, hindi niya bibigyan ng special treatment."

"Sabagay, walang pinipili si Medusa," pagsang-ayun ni Reem.

"You bet! Saka tingin niya pa nga lang, nakakatakot na," Tamara blurted saka nagpatuloy, "kaya nga Medusa ang tawag sa kanya dahil nakakatakot ang tingin niya at kapag tinititigan ka niya, para kang nababato sa kinaroroonan mo."

"And she never filters her words. Kung gusto ka niyang pagalitan, papagalitan ka niya kahit sa harap ng maraming tao," dagdag ni Reem.

"At 'yan ang dahilan kung bakit nagmamadali ako," saad ni Tamara.

"Wala akong ibang masabi kundi, Good luck," ngumiti si Reem saka bumukas ang elevator hudyat na narating na nila ang palapag ng kanilang opisina.

Walang inaksayang oras si Tamara. Mabilis siyang naglakad at tinungo ang conference room kung saan siya dapat magprepresent ng kanyang project proposal.

Lalo siyang kinabahan nang madilim na ang loob ng conference room at tanging ilaw mula sa projector na lamang ang nagbibigay liwanag sa ilang bahagi ng silid.

Siya ang unang natalagang magpresent kaya hindi na niya hinintay na tawagin siya ni Miss Edmilao. Agad niyang tinungo ang gitna ng conference room, binigay sa taong nasa gilid ang kanyang laptop na inaasahan niyang tumulong sa kanya sa pagset-up sa kanyang laptop upang maikabit ito sa projector saka nagsimulang magsalita, "Technology has made our lives better over the years," panimula ni Tamara, "but the constant evolution of new trends has made consumers to waive buying expensive gadgets believing that these gadgets will reduce its price once a new design is out."

"TAMARA!" biglang pumasok sa conference room si Miss Edmilao saka sinabing, "ba't nandito ka?"

It happened so quickly that is almost simultaneous with the moment that the lights in the conference room turned on, saka tumambad sa kanyang harapan ang miyembro ng board committee kung saan nandoon din sa meeting ang kanyang mismong ama.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon