CHAPTER 44: Secrets and Consequences

2.8K 143 47
                                    


Unang pumasok sa opisina si Tamara, at sumunod si Evo. Nang subukang sumunod si Miss Torres, binigyan siya ni Evo ng isang matalim na tingin, na parang sinasabi na hindi siya dapat makisali sa usapan. Agad na nakuha ni Miss Torres ang ibig sabihin ng tingin ni Evo, kaya huminto siya at nanatili sa labas habang isinara ni Evo ang pinto. Samantala, dali-daling lumapit sina Cheezee sa pinto ng opisina, idinikit ang kanilang mga tenga sa makapal na kahoy, umaasang maririnig nila ang palitan ng salita sa loob.

"It's soundproof," anunsyo ni Miss Torres habang inaayos ang kanyang salamin saka nagpatuloy, "Whatever they are discussing, it's meant to stay between them."

"Clearly, they are having an affair," saad ni Andrea saka nang-aasar na ningitian si Chezze at sinabing, "Cheezee, this just means that you have Chad all to yourself now."

"But I think we should let Chad know about this. He would not set his eyes on Cheezee if he is still smitten by this slut," saad ni Blaire saka ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita, "I am excited to see his reaction when he finds out about this."

Tumango si Miss Torres at sinabing, "I'll see if I can contact Mr. McTavish's wife."

Halatang nagulat sina Cheezee, Andrea, at Blaire sa kanilang narinig.

"Mr. McTavish is married?" si Andrea

"Since when?" si Blaire

Sunod-sunod na tanong ng mga babae.

"He got married when he went home to his mother's homeland," sagot ni Miss Torres.

"There goes my chance," malungkot na saad ni Andrea.

"Hey, if he is married, what is he doing with Tamara in this private meeting?" saad ni Blaire.

"Have you forgotten?" sabat ni Cheezee, "Our boss is a womanizer. I bet his marriage is merely a business arrangement. Evo is not capable of loving a woman since he was jilted by Shawn."

"Yeah, you're right. Tamara might just be one of his play things," pagsang-ayon ni Blaire.

"It is still not right!" inis na saad ni Miss Torres. Naalala niya ang kanyang pangakong babantayan niya si Evo upang hindi ito magkamali sa asawa, "I will definitely find a way to inform Evo's wife about this. If Tamara is up to something then it should be brought to light."

Tumango ang tatlong babae bilang pagsang-ayun kay Miss Torres.

"You better get back to your respective offices and start working. We'll deal with this matter later," utos ni Miss Torres.

"Don't worry, Miss Torres. We will help you by being your eyes and ears. We will make sure that we get all the evidences ready for the wife of Mr. McTavish," saad ni Cheezee.

Tango lang ang itinugon ni Miss Torres at muling ibinalik ang tingin sa pinto ng opisina ni Evo. Sa kanyang isip, matatag siyang nagpasya, "Hindi ko hahayaang ikaw, Tamara, ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagsasama ng bagong kasal. Humanda ka. Sisiguraduhin kong mapapatalsik kita sa kompanyang ito bago mo pa masira ang relasyon nina Evo at ng kanyang asawa."

Sa sandaling iyon, naalala niya si Madam Ellena, ang lola ni Evo. Si Madam Ellena ang naging tulay para makapasok siya sa McTavish Holdings, kaya malaki ang utang na loob niya rito para sa marangyang buhay na tinatamasa niya ngayon. Dahil dito, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa upang magpadala ng mensahe sa matanda. Nais niyang malaman kung malapit ba ang asawa ni Evo kay Madam Ellena, sapagkat kung malapit ito sa matanda, plano niyang ibunyag ang mga kalokohan ni Evo.

Ibang klaseng tensyon naman ang nasa loob ng opisina. Hinarap ni Tamara si Evo habang mapaghamon itong nagsalita, "kailangan mo ba talaga akong bastosin sa harap ng board?"

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon