Nagmadaling pumasok si Chad sa opisina ni Evo dahil sa message nito na "Emergency."
"Bakit? Anong nangyari?" agad na tanong ni Chad nang makapasok siya sa loob ng opisina.
"I need you to draft a contract based on this," inabot ni Evo ang kanyang cellphone kung saan makikita ang listahan ng kasunduan nila ni Tamara.
"You made an agreement with an on-the-job trainee of your company?" kunot noong tinanggap ni Chad ang cellphone, "hindi ka kaya makasuhan ng abuse of power niyan?"
"I told her about her father's problem in the company. She decided to dive in to our agreement rather than letting her father dive to his doom," sagot ni Evo.
"Hanggang kalian ang kasunduang ito?" tanong ni Chad.
"Until I find Shawn," malungkot pero determinado niyang sagot.
"Give me an hour to work on this," saad ni Chad saka tumalikod.
"Ahm Chad?" tawag ni Evo bago makalabas ng opisina si Chad.
"Yes?" hinarap siya ni Chad.
"How do you do courtship in the Philippines?' tanong ni Evo.
Napangiti si Chad saka nagsalita, "sinabi ba niyang magpaalam ka sa magulang niya?"
"I think so," nagkibit balikat si Evo.
"Well," bumalik si Chad sa harap ni Evo saka umupo at nagpaliwanag, "normally, bumibisita ang lalaki sa bahay ng nililigawan niya. Magdadala siya ng bulaklak para sa nililigawan niya at saka regalo para sa mga magulang niya. Plus points din kung may dala kang pagkain na pwede niyong pagsaluhan habang nagpapahiwatig ka ng intensyon mo sa anak nila."
"That's all?" tanong ni Evo.
"That's just the icing on the cake. The hard part is when you talk to the parents," sagot ni Chad.
"I think I can handle Mr. Jacinto," confident na saad ni Evo.
"Gusto mong tumawag ako ng florist para sa bulaklak?" tanong ni Chad.
"No, I'll take care of all of those. Ihanda mo ang kontrata and have it signed by Tamara," utos ni Evo.
"Noted," tumango si Chad saka tumayo.
"And one more thing," muling nagsalita si Evo, "gusto kong kilalanin mo kung sino itong Zack na crush ni Tamara."
"Hmm, you sound jealous," biro ni Chad pero seryoso siyang tinapunan ng tingin ni Evo kaya agad nawala ang pilyong ngiti nito.
"Gusto ni Tamara na ipagpaliban ang pag-anunsyo ng aming engagement dahil gusto niyang matuloy ang date niya sa lalaking ito sa tinatawag nilang University Ball," paliwanag ni Evo, "gusto ko lang siyang kilalanin. I want to know why Tamara would beg for me to delay the announcement just to have a date with him."
"Gagawin ko 'yan," tumango si Chad saka nagpaalam.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit pagkatapos nilang mag-usap ni Tamara ay tila lahat na lang na naiisip niya ay kasama si Tamara. Tulad na lang ng imbitasyong dumalo sa isang party, he imagined attending it with Tamara. Naisip niya kung paano niya hahawakan si Tamara papasok sa party, kung paano niya ito isasayaw, kung paano niya ikukulong ang balingkinitan nitong katawan sa pagitan ng kanyang mga bisig. It is like the thoughts of her is all over him.
____________________________
Magkasabay na umuwi sina Tamara at ang kanyang ama mula sa opisina.
"Kumusta ang pagpunta mo sa opisina ni Mr. McTavish?" tanong ni Mr. Jacinto.
"Okay lang," nagkibit balikat si Tamara.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...