Ang buong akala ni Tamara ay sadyang magaling lang talagang pumili ng mga damit na pinapasuot sa kanya si Evo, pero pagkatapos ngpag-uusap nila ni Elle, naging malinaw ang lahat. Evo is clearly still in-love with Shawn.
'Of course, he is still in-love with Shawn,' sa isip ni Tamara, 'kaya nga ako nagpapanggap bilang soon-to-be bride niya upang tumigil na ang kanyang mga magulang sa pagseset-up ng date para sa kanya.'
Bumuntong hininga si Tamara habang pinaparada ng kanyang ama ang sasakyan sa tapat ng entrance ng university. Naiinis siya sa sarili dahil kahit alam niyang lahat ay pawang pagpapanggap lang, hindi pa rin niya maiaalis sa kanyang isipan ang mga pinagsaluhan nilang halik ni Evo. They felt so real na kahit ilang araw na ang lumipas mula noong huli silang nagkasama ay tila may batid pa rin niya bakas ng halik ni Evo sa kanyang labi.
"Thanks dad," saad niya pagkatapos halikan ang kanyang ama sa pisngi at saka bumaba ng sasakyan.
'I need a distraction,' sa isip ni Tamara pero agad na nahagip ng kanyang paningin ang guwapong imahe ni Zack na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasamang team mates nito sa basketball varsity team, 'that's it! Zack is the answer.'
Huminga siya ng malalim na para bang nag-ipon siya ng lakas ng loob upang lapitan si Zack. Siniguro niya muna na maayos ang kanyang buhok bago humakbang patungo sa kinaroroonan ni Zack ngunit bago niya ito malapitan ay biglang may kumanta na isang grupo ng mga kalalakihan. May dalang isang bouquet of flowers ang nasa gitna habang itinaas naman ng mga kasamahan nito ang isang cartolina na may nakasulat na, "will you be my date?"
Agad namang nagsi-tilian ang mga babae nang lumuhod ang lalaki habang inaabot ang bulaklak sa nais nitong maka-date.
'Oo nga pala, bukas na pala ang university ball,' sa isip ni Tamara.
Isa ang University Ball sa pinakahihintay na event ng mga estudyante. Katumbas nito ang prom sa high school, ang kaibahan lang ay sa University Ball, lahat ng estudyante mula sa iba't ibang kurso at antas ay makakasali. Talamak ang University Ball proposals na katumbas sa "Promposal" kung saan nag-eeffort ang mga lalaki upang yayain ang kanilang napupusuang babae bilang ka-date sa University Ball.
Agad niyang naalala ang ilang beses na pagtatangka ni Zack na pag-usapan ang tungkol sa university ball.
'Well, I guess it was better na hind niya ako niyaya maging date via text message o phone call,' napangiting naisip ni Tamara, 'maybe he'll set-up a romantic u-ball proposal.' Importante sa isang babae ang magkaroon ng public proposal. Ito din kasi ang naging batayan ng kasikatan sa university. Besides, hindi basta-basta kung si Zack ang gagawa ng proposal. A varsity team captain like Zack would surely make her the most popular lady in the university.
"Tamara!" lumapit sina Rain kasama ang ibang miyembro ng cheerleading team.
"Hi," malapad na ngiti ang iginawad niya sa kanyang mga ka-team members pero napakunot ang kanyang noo nang mapansing nakasimangot si Rain.
"Anong nangyari?" tanong ni Tamara.
"Hindi mo pa alam ang balita?" tanong ni Rain.
"Na si Charina na ang bagong cheer captain natin!" pagsisiwalat ni Rain.
Tulad niya, ayaw din ni Rain na si Charina ang papalit kay Shaye. Mas gusto nilang si Dianne ang papalit kay Shaye.
"Ano? Eh paano nangyari 'yun?" tanong ni Tamara.
"Apparently, natalo ni Charina si Dianne ng isang boto," sagot ni Rain.
"What? Kailan nangyari ang botohan?" tanong ni Tamara.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...