Nag-aabang na si Chad sa docking area upang madala sina Tamara at Evo sa ospital kung saan ngayon naka-confine ang lola ni Evo.
Pinaliwanag ni Evo kay Tamara na isinugod ang kanyang lola sa ospital, at nakiusap ang matanda na ipatawag silang dalawa. Nag-alala naman si Tamara para kay Ellena kaya agad siyang sumang-ayon na sumama kay Evo.
Mabilis nilang narating ang ospital at sa isang presidential suite sila tumungo.
"Abuela," saad ni Evo nang makapasok sa silid, "anong nangyari? Bakit siya isinugod dito sa ospital."
"Tumaas ang kanyang presyon," sagot ni Eva sa anak.
"Nieto?" mahinang tawag ni Ellena sa apo.
"I'm here," hinawakan ni Evo ang kamay ni Ellena saka umupo sa gilid nito.
"Is Tamara here?" tanong ng matanda.
"She's with me," saad ni Evo habang lumapit naman si Tamara.
"Nandito po ako," saad ni Tamara na ngayon ay nasa kabilang gilid ng matanda.
"Good," pilit na ngumiti ang matanda.
"I saw you on the news kanina," saad ng matanda, "you really looked good together."
Kunot-noong tumingin si Tamara kay Evo dahil nagtaka siya kung ano ang nasa balita. Umiwas naman ng tingin si Evo at ibinaling ang atensiyon sa kanyang lola.
"Dapat hindi ka nanonood ng mga balita. Baka 'yan ang dahilan ng pagtaas ng presyon mo," saad ni Evo.
"This is normal. Matanda na ako kaya hindi bago ang ganitong kondisyon sa akin," saad ni Ellena saka nagpatuloy, "ang inaalala ko lang ay sa tanda kong ito, baka hindi ko na maabutan ang magiging anak niyo ni Tamara."
"P-po?" gulat na saad ni Tamara dahil hindi niya napaghandaan ang sinabi ng matanda.
"Kasal muna ang pag-uusapan namin saka na ang pagkakaroon ng anak," saad ni Evo.
Napangiti naman ang matanda saka sinabing, "pag-usapan niyo na ang kasal niyo para kahit 'yan na lang ang maabutan ko."
"Magpalakas ka po," sabat ni Tamara, "para makasali ka sa wedding entourage namin."
"Yes," pagsang-ayon ni Evo, "saka kailangan mo rin ng lakas upang matulongan mo si Tamara sa mga detalye ng kasal namin."
"Ah yes," nakangiting pumikit si Ellena na tila ini-imagine ang magiging kasal nina Evo at Tamara, "I missed planning those kinds of events."
Bahagyang nagkatinginan sina Tamara at Evo saka ibinalik ang kanilang tingin sa matanda.
'Malapit ko nang mahanap si Shawn, abuela. Mangyayari ang nais mo dahil gagawin ko ang lahat upang bumalik sa akin si Shawn,' sa isip ni Evo.
Nag-alalang hinawakan ni Tamara ang kamay ni Ellena pero napatingin siya sa matanda nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil nito sa kanyang kamay.
Ningitian siya ng matanda pero bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. Naalala niya ang pakiusap ng matanda sa kanya saka siya ngumiti.
'Susubukan ko, Abuela,' sa isip ni Tamara.
'Sana ang ibig sabihin ng ngiti mo ay sumang-ayon ka sa alok ko. Tutulongan kita, hija. Huwag mo lang hayaang bumalik si Evo sa babaeng ilang beses na siyang sinaktan,' sa isip ni Ellena.
_______________________
Sinamahan nina Evo at Tamara si Ellena hanggang sa makatulog ito. Naabutan naman nilang nagkakape si Eva sa dining area pagkalabas nila sa silid.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...