Chapter 9 - Rules of Engagement

6.1K 256 11
                                    


"I heard that my parents talked to you," saad ni Evo nang bumisita si Tamara sa kanya kinaumagahan.

Bumuntong hininga si Tamara saka sinabing, "they offered a proposition."

"And?" tanong ni Evo.

"And I pretended that I am in love with you. Sinabi ko na hindi nila ako kailangang bayaran para pakasalan ka," sagot ni Tamara.

"Now you know how meddling my parents are," saad ni Evo.

"Yeah right," tumango si Tamara.

"Hindi ka ba nasinag sa alok nilang pera?" tanong ni Evo.

"Alam kong magiging malaki ang problema ko kung tatanggapin ko ang alok nila," sagot ni Tamara.

"Interesting," Evo chuckled.

"Ba't ka natawa?" kunot-noong tanong ni Tamara.

"Dahil sa lahat ng babaeng inalukan nila ng pera, ikaw lang ang tumutol," saad ni Evo.

"They offered other women the same thing?" nagulat si Tamara.

"Yeah," sagot ni Evo saka nagpatuloy, "almost every woman they knew that was link to me, nilapitan nila para i-alok ang gusto nila."

"And you said, ako lang ang tumutol. What happened to the other women?" tanong ni Tamara.

"Pumayag sila kahit alam nilang hindi ko sila gusto. Some of them tried to get pregnant para mapilitan akong pakasalan sila," saad ni Evo.

"Paano ka nakakasigurong hindi mo sila nabuntis?" tanong ni Tamara.

"They were given contraceptive shots before we got into agreement," saad ni Evo.

"So hindi ako ang unang temporary bride mo?" saad ni Tamara.

"There were two before you," saad ni Evo, "I had to call off our agreement dahil mas nasinag sila sa alok na pera ng mga magulang ko."

Natahimik si Tamara. Napansin ito ni Evo, "ano ang iniisip mo?"

"W-wala," umiling si Tamara.

"You were quiet," puna ni Evo, "that can't be nothing."

Bumuntong hininga si Tamara saka nagtanong, "may nakalagay bang tungkol sa contraceptive shots sa kontrata natin?'

"Why don't you review the contract?" suhestiyon ni Evo.

"Babasahin ko ulit 'yun pagka-uwi ko," saad ni Tamara, "but I want to know now. Meron ba?"

Direchong tumingin si Evo kay Tamara saka sinabing, "yes."

"Yes?" napakunot ang noo ni Tamara saka nagtanong, "if that was in the contract, bakit hindi mo ako pinilit na magpa-contraceptive shot?"

"Because I respect your condition," sagot ni Evo saka nagpaliwanag, "you made it clear na ayaw mong may involved na s3x sa kasunduan natin."

"Kung ganun, bakit mo pa rin dinagdag ang tungkol sa contraceptive shots?" tanong ni Tamara.

"Who knows," nagkibit balikat si Evo, "you might just throw yourself on me one of these days."

"Loko ka! I will never throw myself to you," inis na pinalo ni Tamara ang braso ni Evo.

"Huwag kang magsalita ng tapos, Tamara," napagikgik si Evo, "marami nang babaeng kunwari ayaw sa akin pero sa huli, sila pa ang nagmamakaawang ikama ko."

"Well, bad news! Hindi ako isa sa kanila," saad ni Tamara kaya tumawa si Evo.

"I know how to seduce women in ways na hindi nila nahahalata," pagmamalaki ni Evo.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon