Chapter 36 - Her Vow

5.9K 280 59
                                    


"Bakit biglang umalis patungong London si Evo? Hanggang kailan siya doon? Matutuloy pa ba ang honeymoon namin sa Bali?" nagulat si Chad sa biglang pagdating ni Tamara sa kanilang opisina at sunod-sunod na nagtanong.

"I am sorry. Walang sinabi si Mr. McTavish na dahilan sa kanyang pag-alis," tumayo si Chad upang kausapin si Tamara saka nagpatuloy , "pero huwag kang mag-alala. Binilin niya na asikasuhin ko ang pag-alis mo papuntang Bali dahil doon na siya didirecho para sa honeymoon ninyo."

Inis na napabuntong hininga si Tamara. Paniniwalaan pa ba niyang darating talaga si Evo sa Bali? Mula noong ikinasal sila, wala nang ginawa si Evo kundi ang iwasan siya. Nalilito siya dahil isa sa napagkasunduan nila ni Evo ay ang ipagbuntis niya ang magiging tagapagmana ng McTavish Holdings, pero paano ito mangyayari kung palagi na lang lumalayo si Evo.

Napansin ni Chad ang kalungkutan ni Tamara kaya nagsalita ang binata, "Pagpasensyahan mo na lang si Evo. He has been emotionally unstable since Shawn left her."

"Kasalanan ko," mahinang bulong ni Tamara pero narinig ni Chad.

Nais pa sanang magsalita si Chad upang pagaanin ang nararamdaman ni Tamara pero wala siyang maisip na isambit.

"Wala na ba talaga akong magagawa? Ito na lang ba talaga ang kabayaran sa nagawa kong kalokohan noon? Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari. Kung alam ko lang na ito pala ang magiging kalalabasan sa ginawa ko, sana uminom na lang ako noon. Pero wala eh. Nangyari na," pagmamaktol ni Tamara.

"Ikaw na ang mismong nagsabi, nangyari na. Pumayag ka na rin sa hininging kabayaran ni Evo kaya sa halip na magreklamo ka, mas mabuti pang tatagan mo na lang ang loob mo," saad ni Chad.

"Pero ikinasal na kami. Kahit sabihin na lang nating may kasunduan ang kasalang ito, sana naman ituring niya akong asawa sa konting panahon lang na nakasaad sa kasunduan namin?" naiiyak na saad ni Tamara.

"Sana ganoon kadali, Tamara. Pero ibahin mo si Evo. He is so fixated at the thought of being in love with Shawn. Maraming babaeng dumaan sa buhay niya pero kay Shawn lang siya nagseryoso."

Natahimik si Tamara saka naisip, "siguro tama nga 'yung sabi ng iba. Sa mga arrange marriages, ang babae madalas ang nadedevelop habang mahirap baguhin ang nararamdaman ng mga lalaki, lalong-lalo na kapag may nagmamay-ari na sa kanilang puso."

Batid ni Chad sakit na nararamdaman ni Tamara kaya sinubukan niyang ibahin ang paksa ng kanilang pag-uusap, "Oo nga pala. Nag-update nga pala ang university. Sa makawala na daw ang oral defense mo."

Si Tamara naman ngayon ang sumagot ng tango lang kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Chad, "Just a piece of advice, sa oral defense ka na lang muna mag-focus. Huwag mo munang isipin ang tungkol sa inyo ni Evo. You can't lose yourself just because Evo made you feel like you are a loser. Ipakita mo sa kanya na kaya mong harapin ang mga hamon niya."

Tango ulit ang isinagot ni Tamara saka sinabing, "Maraming salamat, Chad. Kahit alam kong kay Evo ka kumakampi, salamat pa rin dahil tama ka. Hindi ko dapat ipakita kay Evo na mahina ako. Haharapin ko ang hamon niya. I will not let him destroy me."

Hindi na hinintay ni Tamara ang sagot ni Chad dahil agad siyang pumihit upang lumabas sa opisina.

"Hindi ako susuko. Sisigurohin kong ako ang magtatagumpay sa labang ito. You will fall for me, Evo. You will fall hard that you would not want me to leave after three years as stated in our prenuptial agreement," lakas-loob na pagtatag sa sariling loob ni Tamara.

______________________________

Nagising si Evo dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng kanyang cellphone. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag ngunit tila makulit ang tumatawag dahil hindi ito tumitigil sa pagtawag hangga't sinagot niya

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon