Kahit puyat, nakasanayan na ni Evo ang gumising ng madaling araw upang gawin ang kanyang morning routine. Bumangon siya saka bumaba sa hagdanan upang tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Madalas dumidirecho siya sa mini-gym upang mag-ehersisyo, pero hindi niya nakalimutang ikinasal siya kahapon at hindi pa niya nagawa ang balak niya kay Tamara.
"Today's exercise will be in bed," pilya siyang ngumiti.
Tinahak niya ang daan patungong kusina ngunit napahinto siya nang makitang nasa kusina si Tamara.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Evo.
"Pinaghanda kita ng almusal," ngiting saad ni Tamara.
Kumunot ang noo ni Evo dahil hindi ito ang balak niya. Bago siya nagpakasal ay sinabi na niya sa kanyang mga katulong at butler na saka na ito papasok sa mansyon kapag nakaalis na siya ng trabaho. Balak niyang pahirapan si Tamara, at isa sa mga naisip niya ay ang utusan si Tamara na ipagluluto siya ng almusal araw-araw.
"I don't eat this early," saad ni Evo saka dumirecho sa water dispenser upang magsalin ng tubig.
"Naghahanda pa lang naman ako kaya sakto lang ang oras kapag matapos na ako ng pagluluto," saad ni Tamara habang hinuhugasan ang mga sangkap sa pagluluto.
Hindi kumibo si Evo kaya nagsalita si Tamara, "konti lang pala ang laman ng ref, sa tingin ko, kailangan nating mag-grocery."
Napatigil sa pag-inom ng tubig si Evo saka hinarap si Tamara, "hindi ako masyadong kumakain dito sa bahay. Baka masayang lang ang mga bibilhin mo."
Bumuntong huminga si Tamara saka hinarap si Evo, "mula ngayon, ipagluluto kita. Kakain ka ng almusal dito, magdadala ako ng pagkain para sa'yo sa opisina mo, at sa gabi, ipaghahanda kita ng hapunan."
"That's crazy," may halong inis na saad ni Evo.
"It's not," Tamara shrugged saka nagpatuloy, "besides, ginagampanan ko lang ang pagiging asawa ko."
Evo cocked his head and said, "should you be doing something else to me as my wife?"
Agad na naiintindihan ni Tamara ang ibig sabihin ni Evo kaya mabilis siyang pumihit pabalik sa paghuhugas ng sangkap.
Napangiti si Evo dahil batid niyang natakot si Tamara kaya nilapitan niya ito at sinabing, "we need to consummate our wedding."
"E-evo," humakbang palayo si Tamara, "mag-almusal muna tayo."
"Don't act like we are a romantic couple, Tamara!" bahagyang tumaas ang boses ni Evo saka nagpatuloy, "tandaan mo, tatlong taon lang ang pagiging asawa mo sa akin."
"Hindi ko 'yan nakakalimutan. Pero hindi ako papayag na masasayang ang tatlong taon ko. I will make sure that you will be the one who cannot let go of me in the end," saad ni Tamara.
"Are you dreaming?" mapanutyang tumawa si Evo saka sinabing, "I despise you for all the troubles you gave me, sa tingin mo mapapaibig mo ako?"
Taas noong tumingin si Tamara kay Evo saka sinabing, "tignan lang natin."
Nang pumayag siya sa kasunduan nila, alam niyang magiging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Evo ngunit ayaw niyang magpatalo. Pinasok niya ang larong ito, sisigurohin niyang mananalo siya. Buo ang loob niya na sa loob ng tatlong taon, mahuhulog ang loob ni Evo sa kanya. She will make sure that he'll get used to her presence so that by the end of the three years, si Evo ang magmamakaawang mananatili siya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...